NAKATUTUWA talaga ang mga paraan ng mga artista para hindi maburyong sa kanilang mga bahay habang naka-quarantine. Habang ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy ay abala sa pag-TikTok, ang mag-asawang Carmina at Zoren Legaspi naman ay may sariling ganap. Ibinahagi nila sa isang Instagram post na nagkaroon silang dalawa ng cooking battle. Kita sa larawan na bistek ang pinaglabanan nila. Sino kaya ang nagwagi at mas masarap ang luto?
Samantala, patuloy na napapanood si Carmina at ang kambal sa kanilang food adventures sa weekend program ng GMA na Sarap Di Ba? tuwing Sabado ng umaga.
Rated R
ni Rommel Gonzales