Monday , May 20 2024

Aiko, kinakapalan na ang mukha sa paghingi ng tulong

KINAKAPALAN daw ni Aiko Melendez ang kanyang mukha para manghingi ng donasyon at tulong sa mga kaibigan at kakilala para makasuporta at maka-ayuda sa mga biktima ng Covid-19 higit lalo sa mga frontliner na mga bagong bayani ngayon.

 

“Kaya nga kinakapalan ko ang mukha ko na manghingi ng tulong!

 

“Kahapon inisa-isa ko ang phonebook ko, nag-send ako ng messages para mag-ask ng kahit ano na puwedeng maihingi. Hindi ako mahihiya kasi itutulong naman ito. Kakapalan ko mukha ko para maka-help.

 

“Para sa inyo ito, mga kababayan ko! Sana kaunting patience lang, ha?

 

“Kasi ang dami-dami talaga need ng help. And sa panahon ngayon marami rin sa kasamahan ko ang tumutulong.

 

“Kaya sa mga nakaluluwag ng kaunti at mayroon pang itutulong sana maka-help po tayo!

 

“That was my exact prayer before sleeping and upon waking up, for the Lord to guide me with ways on how we can help. And for the Lord also to remind me sino pa sa mga kaibigan ko ang puwedeng i-message. 

 

“Pasensya na kayo, ha? Medyo makulit ako kasi alam n’yo naman ang situation ng bansa natin.

 

“GOD BLESS US ALL! 

 

May post din si Aiko na ganito: “Hello po mga kababayan! Eto na naman po kami, muling kumakatok sa inyong mga puso. Habang tumatagal ang Enhanced Community Quarantine, mas dumarami po ang nangangailangan ng supplies. Sana po maging daan kami upang makatulong sa mas nakararami.

 

“So far po kailangan po namin ng donation both in goods and in kind po. PPE, face shields, bigas, alcohol at disinfectant, gatas at diapers po.

 

“Kung nais n’yo pong tumulong. Paki-email po kami sa [email protected] at mayroon na rin po kaming account sa GoGetFunding jaikovg28.

 

“Any amount or help will do po. Lahat ng tulong n’yo po ay magiging transparent kagaya ng nauna naming naihatid ang inyong tulong.

 

“Ipo-post po namin ang amount raised, pati po ang mga hospital at mga nabigyan ng supplies po! For BPI po 8799 2009 89 Account name: Liby Rose pol Para sa BDO Account No. 003000508036; Account name: Andrea Bianca Barretto, Paypal Acct. name [email protected]. For GCash 09688001216.

 

“Maraming Salamat po!

~~~Jay Khonghun Aiko Maria Kendra Melendez.”

 

Magkatuwang sina Aiko at kasintahan niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun sa pagpapaabot ng ayuda at suporta sa mga biktima ng Covid-19 at sa mga frontliner.

 

Hindi rin humihinto si Aiko sa pangangalap ng donasyon at pondo para sa supplies tulad ng PPE (Personal Protective Equipment), alcohol, pagkain at ultimong kape para sa mga frontliner at health worker na siyang katuwang ng gobyerno sa pag-aalaga at pagpapagaling sa mga may sakit na Covid-19.

 

Ilan sa mga panawagan ni Aiko, sa pamamagitan din ng kanyang FB page, ay ang mga sumusunod…

“Sa mga gusto po mag-donate para sa Sta. Cruz District Hospital eto po ang GCash account +63 968 800 1216.

 

’Yung mga gusto rin po mag-donate ng bigas pa-message lang po ako sa PM ko po.

 

“Sa mga gusto po tumulong maaari n’yo po kami e-mail sa [email protected].

 

“Mayron na rin po kaming GoGetFunding jaiko kmelendez, PayPal account [email protected], BDO Account no. 003000508036.

 

“Account name: Andrea Bianca Barretto 8799 2009 89 Libby Rose Pol BPI Savings Account.

 

“For GCash 09688001216

 

“Asahan n’yo po na makararating po ang inyong tulong.

 

“Maraming Salamat Po. 

 

Isa si Aiko sa mga artista na aktibo sa pagtulong sa mga netizen upang maiwasan at mabilis na mapuksa ang world pandemic na Covid-19.

 

 “Paggising ko checked my phone… e-mails, GCash app. Sa buong buhay ko now lang ako nag-download ng kung ano-ano na app and lahat ng ways paano ako makaka-help.

 

“Sana naging si Bill Gates ako para mas marami pa kami matulungan ni VG Jay Khonghun! Si Jay late na lagi natutulog, checking also his messages. Ang dami pa talaga kailangan ng help, hindi lang sa Zambales kundi sa buong bansa.

 

“Kaso kung aasa lang ako sa kung ano ang mayroon kami hindi pa rin sapat.”

 

 

Isa sa pinamahalagang aksiyon laban sa mapamuksang sakit ay ang pagsusuot palagi ng face mask, at may panawagan si Aiko tungkol dito…

 

“It’s a MASK to wear one these days! Please do your share! #Rockwithmasks

 

“I challenge everyone to post their pic with a mask on and use this #Rockwithmasks

 

“Stay safe guys! 

 

Kasama ng Facebook post niyang ito ang larawan ni Aiko na nakasuot ng face mask.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *