Sunday , February 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Social distancing, no touch policy mahigpit na ipatutupad sa Pangulo

MAHIGPIT na ipinatu­tupad ng Presidential Security Group (PSG) ang “no touch policy” at pananatilihin  ang 10-meter distance sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng audience sa mga pagtitipon na kan­yang dadaluhan.

Para sa mga pri­badong functions at meetings, tanging ang mga nagpasuri at negatibo sa COVID-19 ang papayagang lumapit sa Pangulo.

Ang mga tao na hindi pa nagpapasuri ay dapat magkaroon ng anim na talampakan o dalawang metrong distansiya mula sa Pangulo.

Sinabi rin ng PSG na mayroon nang organi­sadong medical teams at quarantine sites ang nakaposisyon sa Mala­cañang Complex.

Regular na isinasa­gawa ng PSG personnel ang sanitation at dis­infection sa PSG com­pound at Malacañang Complex kasama ang mga katabi nitong gusali at pasilidad.

May  ilang PSG per­sonnel na naka-face­mask, ang nagsasagawa ng temperature check sa lahat ng mga bisita.

Required  sa lahat ng mga bisita ang pag-fill up sa declaration form na tinatanong ang lahat ng detalye sa kalu­sugan at mga lugar na binisita ng isang indibidwal.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

15 taon nagtago
Most wanted ng CALABARZON tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person sa Regional Level sa ikinasang manhunt …

FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag …

P47-M illegal yosi 2 abandoned van

Sa patuloy na follow-up ops
P47-M ilegal at puslit na yosi nasamsam sa 2 abandanong van

NASABAT ng mga awtoridad ang dalawang van na naglalaman ng mga ilegal at puslit na …

Car pasalo Scam

Sangkot sa ‘pasalo scam’ pick-up truck nabawi sa NE

NABAWI ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang 2018 Nissan Navara pick-up na …

Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng …