Duterte sa NPA: Ceasefire tayo (Social distancing hiling ni Digong)

HUMILING ng ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte sa New People’s Army (NPA) habang nararanasan sa bansa ang coronavirus disease (COVID-19).

Sa kanyang public address kagabi nang ideklara ang Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, nanawagan ang Pangulo sa mga rebeldeng komunista na sumunod sa social distancing sa pamamagitan ng pagdistansya sa mga sundalo o huwag umatake.

Hirit ng Pangulo sa NPA, makipagtulungan sa gobyerno sa panahong umiiral ang public health emergency dulot ng COVID-19.

(ROSE NOVENARIO)