Wednesday , May 7 2025
Duterte money ABS CBN

Paumanhin tinanggap… Duterte ‘di sigurado kung lalagda sa ABS-CBN franchise

TINANGGAP man ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apology ng ABS-CBN, aminado siya na hindi pa niya kayang pirmahan ang panu­kalang batas para sa renewal ng prankisa ng Kapamilya network.

Sa ambush interview sa Palasyo kagabi, sinabi ng Pangulo na tinatang­gap na niya ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN kung nasaktan ang kanyang damdamin sa inilabas nilang kritikal na political advertisement laban sa kanya at hindi pag-ere nang buo ng kanyang binayarang campaign advertisement noong 2016 presidential elections.

“Tinatanggap ko na,” anang Pangulo.

Gayonman, aminado ang Pangulo na kapag nakarating sa kanyang mesa ang panukalang batas na nagtatakda ng franchise renewal ng ABS-CBN, mahihirapan siyang pirmahan ito o mag­desisyon.

Aniya, hihilingin niya sa media na tulungan siyang magpasya sa nasabing usapin.

“ I will cross the bridge when I get there. I will call the media to help me out. It will be a difficult decision,” giit niya.

Kasabay nito, hina­mon ng Pangulo ang sinomang makapag­sasabi na iniimplu­wensiyahan niya ang Kongreso sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN sa pama­magitan ng pagbibitiw bilang presidente ng bansa.

Habang si Presi­dential Spokesman Sal­vador Panelo ay inihayag na dapat managot ang mga kongresista sa kanilang constituents sa hindi pag-aksiyon sa mga panukalang batas na naglalayong i-renew ang prankisa ng ABS-CBN.

“They should be accountable to the people. They’re supposed to represent their districts, so they will have to account for their constituents why they have not done anything of this particular subject matter,” aniya.

Inilinaw ni Panelo, walang bisa ang joint resolution na nais ipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para palawigin ang prankisa ng nasabing TV network dahil batas ang kailangan para ipatupad ito.

“I already issued also an opinion on the fact that a resolution cannot be binding, it has to be a law. And the former Chief Justice Puno shared my opinion. He just made a legal opinion on that because there has been a Supreme Court ruling many years ago that a resolution cannot be as binding and effective as a law. So they really need to do their work,” ani Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *