ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Col. Jesus Durante III bilang bagong commander ng Presidential Security Group( PSG).
Pinalitan ni Durante si B/Gen.Jose Eriel Niembra.
Si Durante ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘92 at kasalukuyang commanding officer ng presidential escorts ni Pangulong Duterte.
Pangungunahan ng Pangulo ang change of command ceremony ngayong hapon sa grandstand ng PSG Headquarters.
Si Niembra ay magsisilbi bilang bagong commander ng 701st brigade ng Philippine Army.
(ROSE NOVENARIO)