Thursday , December 26 2024

Serbisyo hindi maayos… Reklamo vs Primewater bumuhos

INULAN ng reklamo ang Primewater Infrastructure Corporation dahil sa hindi maayos na serbisyo at sobrang taas ng singil.

Sinabi ni dating Anakpawis Rep. Ariel Casilao,  nakalulungkot na profit ang pangu­nahing interes sa takeover ng Primewater, pag-aari ng bilyonaryong mag-asawang Sen. Cynthia at Manny Villar, sa mga water district at hindi para bumuti ang serbisyo at magkaroon nang maayos na supply ng tubig, base na rin sa mga reklamo ng customers.

Ayon kay Casilao, habang panay ang papuri ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Primewater dahil sa kaalyadong si Villar, ang katotohanan, ang mga residente sa Marilao, Bulacan; Taya­bas, Quezon; Baco­lod City, Negros Occidental; at Zamboanga City, ay iniaangal ang mataas na singil at water inter­ruptions ng Primewater.

Inihalimbawa ni Casilao ang kaso sa Zamboanga na nagrasyon ang Zamboanga City Water District ng tubig sa mga consumer dahil ang tubig na isinusuplay ng Primewater ay 28.8 million liters a day (MLD) lamang habang sa contractual commitment ay 50 MLD dapat.

Sa San Pablo, Laguna, inirereklamo ang napa­kataas na singil na umabot sa P1,200 mula sa dating P400 kada buwan.

Sa Quezon; Leme­ry,Batangas; Los Baños at San Pablo sa Laguna; Batangas City at Rosario sa Batangas at Daraga, Albay ay idinaraing ang mass layoff dahil sa takeover ng Primewater sa operation ng water districts.

Samantala, idinaan sa social media ng mga customer ng Primewater ang kanilang reklamo laban sa water firm ng mga Villar.

Sa Facebook post ni Reigne Salameda ng Bagasbad Road, Daet, Camarines Norte, sinabi niyang gabi lang duma­rating ang tubig sa kanila, pagkatapos ay madaling araw pa lang ay wala na.

“Parang graveyard ang schedule ng tubig. Pero kung maningil ang aga,” daing niya.

Inireklamo ni Jocelyn Palarca Cunanan ng Gapan, Nueva Ecija ang ‘pangit’ na serbisyo ng Primewater, bukod sa mahinang tulo ng tubig.

“‘Di magamit sa pagluluto at paghuhugas ang tubig parang pinag­hugasan ng bigas,” ang daing naman ni Anton­nieta Vidal ng Brgy. Maimpis, San Fernando, Pampanga.

Iniaangal ni Citadel Bundalian ang kalidad ng tubig na nagmumula sa Primewater. “Bakit po marumi ang tubig, parang may kalawang,” pagta­tanong niya.

Matagal na rin umanong kalbaryo ng mga taga-Ilocos Norte ang hindi magandang serbisyo ng Primewater na may 12% VAT pa.

“Grabeng pahirap sa mga tao. Laging walang tubig pero ang laki ng bill,” dagdag ni Jocelyn Clacio ng Cavite.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *