Saturday , November 16 2024

PH nagtala ng unang kaso ng n-Cov

NAKOMPIRMA ng Filipinas ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng virus, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon.

Dumating nitong Huwebes ang resulta ng laboratory test mula Australia na nagpakitang positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38-anyos Chinese woman na dumating sa bansa noong 21 Enero, ayon kay Du­que.

Galing Wuhan ang pasyente at dumating sa Filipinas mula Hong Kong, pagtitiyak ni Duque.

Tinaggap sa isang hindi tinukoy na govern­ment hospital ang nasa­bing babaeng Chinese matapos ireklamo ang kanyang ubo.

Asymptomatic uma­no ang nasabing pasyente sa ngayon, o wala nang ipinapakitang sintomas ng virus, ayon kay Duque.

Ayon kay Chito Avelino, direktor ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau, nagsasagawa na sila ng contact-tracing o paghahanap sa mga taong nalantad sa pasyente.

Bumiyahe rin umano sa Cebu at Dumaguate ang pasyente.

Tiniyak ni Duque sa publiko na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

May mga hakbang din umano ang DOH para maprotektahan ang mga tauhan ng ospital kung saan naka-admit ang pasyente, ayon kay Duque.

“The DOH, however, continues to guarantee the public that all necessary precautionary measures are being taken to halt spread of the virus,” aniya.

“We are working closely with the hospital where the patient is admitted… we are also implementing measures to protect the health staff providing care to this patient,” dagdag ng kalihim.

Tiniyak ni Duque na handa ang health facilities sa bansa para tugunan ang virus.

Sa ngayon, 29 tao ang itinuturing na patients under investigation o inoobserbahan ng DOH para sa novel coronavirus.

Sila ay nasa Metro Manila, MIMAROPA, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Davao region.

Bago nito, isang patient under investi­gation ang pumanaw sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa pulmonya. Hindi pa tiyak kung mayroon siyang novel coronavirus.

Naghanda ang San Lazaro Hospital ng isolation unit sakaling magkaroon ng pasyen­teng positibo sa novel coronavirus.

Ayon kay Duque, irerekomenda niya ang isang temporary travel ban papunta at galing sa Hobei province ng China, na nakasasakop sa Wuhan.

Ipinayo ni Duque sa publiko na manatiling kalmado at patuloy na mag-practice ng proper hygiene o kalinisan sa katawan para makaiwas sa sakit.

Kabilang sa mga sin­tomas ng novel corona­virus ay lagnat, ubo, at kahirapan sa paghinga, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa Biyernes nakatak­dang magpulong ang isang task group na tumututok sa bagong coronavirus para pag-usapan ang unang kaso, ayon kay Duque.

Binubuo ang task group ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang executive department.

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Quarantine sa mga port sa bansa.

Pansamantala ring itinigil ng mga panguna­hing airline sa bansa ang mga charter flight sa iba’t ibang bahagi ng mainland China bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus.

Ang coronavirus mula Wuhan, China ang pinakabagong uri ng coronavirus, isang pamil­ya ng mga virus na kina­bibilangan din ng Severe acute respiratory syndrome coronavirus (SARS-CoV) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Umabot na sa 8,000 tao ang nahawaan ng novel coronavirus. Nasa 170 ang nahawaan ng virus na namatay na.

Bukod sa China at Filipinas, kumalat na ang virus sa ibang mga bansa sa Asya, North America, at Europa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *