Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sextortion cyber

Dalagitang housekeeper inutusan makipag-sex chat 2 Chinese national kalaboso

NAHAHARAP sa kaso ang isang babae at lalaking Chinese national nang ireklamo ng isang dalagitang housekeeper na umano’y binayaran ng P200 kapalit ng sex-chat  sa Las Piñas City nitong Linggo ng gabi.

Sasampahan ng ka­song paglabag sa Republic Act 10364 o Anti Trafficking in Person Act;  RA 10175, Anti Cybercrime Law; at RA 76109, Child Abuse, ng pulisya ang mga suspek na kinilalang sina Li Pingqiao, 23 anyos, at Lina Phuong, 23 anyos, kapwa Chinese national ng  Avida Tower, Alman­za Uno, sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat kay Las Piñas City Police chief P/Col. Segundo Lagundi  Jr., ang insidente ay sinabing naganap sa 481 Sanchez Place, Alabang Zapote Road, Las Piñas City dakong 10:00 pm.

Sa salaysay ng bikti­ma na itinago sa panga­lang Girlie, 17 anyos, housekeeper, inupahan siya ng dalawang suspek para makipag-sex chat at babayaran siya ng halagang P200.

Agad naman naka­pag­sumbong ang biktima sa mga awtoridad kaya agad nahuli ang mga suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawang Chinese national ang P200 na ibinayad nila at ang hard copy ng template para sa sex chat.

Payo ng mga pulis sa mga kababaihan, huwag agad magtiwala sa mga taong nag-aalok ng gani­tong modus at ipagbigay alam sa kanila para mahuli agad.

Nakapiit sa detention cell ng Las Piñas City Police at sasampahan ng mga nasabing kaso sa Las Piñas Prosecutor’s Office.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …