Sunday , May 19 2024
knife saksak

Binata sinaksak ng step father

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 36-anyos lalaki makaraang saksakin ng kanyang step father matapos awatin ng biktima nang makita niyang sinasakal ang kanyang ina sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Gilbert Arizala, residente sa Javier II St., Brgy. Baritan ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng saksak sa kanang bahagi ng katawan.

Agad naaresto ang suspek na kinilalang si Ernesto Ronquillo, 60 anyos, na nakatakdang sampahan ng kaukulang  kaso.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Maedelio Osting, at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong 6:00 pm nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima at suspek sa  nasabing barangay.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakita ng biktima na sinasakal ng suspek ang kanyang ina na naging dahilan upang awatin ang amain.

Gayonman, naglabas ng kitchen knife ang suspek at tinarakan sa katawan ang biktima at nang makita ni Robert Arizala, 34-anyos kapatid ng biktima ang pangyayari ay umawat saka sinunggaban ang hawak na patalim ni Ronquillo.

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan habang nadakip ang suspek ng nagrespondeng mga tauhan ng PCP-7 sa pangunguna ni PEMS Randy Santiago. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *