Thursday , June 4 2026

“Classified info” sa drug war kapag ibinahagi… Leni Robredo diskalipikado habambuhay sa gobyerno

PUWEDENG madiskalipika habam­buhay sa gobyerno si Vice President Leni Robredo kapag ibinahagi ang mga “classified information” sa mga dayuhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinaaalala ng Palasyo kay Robredo na isang krimen ang pag­babahagi ng mga sekreto ng estado sa mga dayu­han at mga organisasyon ay isang krimen batay sa Article 229 ng Revised Penal Code.

Giit ni Panelo, isa sa mga parusa sa nasabing krimen ay habambuhay na diskalipikasyon sa gobyerno.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod nang paghingi ni Robredo sa lahat ngdokumento at impormasyon kaugnay sa isinusulong na drug war ng administrasyong Duterte.

“Revealing State secrets to foreign in­dividuals and entities as well as welcoming those who have trampled the country’s sovereignty would be damaging to the welfare of the Filipino people, not to mention that under Article 229 of the Revised Penal Code, such revelation of privileged information is a crime which has per­petual special dis­qualification from office, among its penalties,” ani Panelo.

Nauna rito’y nag­babala si Pangulong Rodrigo Duterte na baka sibakin niya si Robredo bilang drug czar dahil sa pag-iimbita sa mga personalidad mula sa United Nations na tina­wag ang Filipinas na “murderous country” at nanawagan sa pag-aresto sa Punong Ehekutibo.

Binigyan diin ni Panelo na welcome pa kay Robredo maging ang prosecutor ng ‘rejected’ Rome Statute Inter­national Criminal Court (ICC).

Warning ni Panelo kay Robredo, maaaring ibang landas ang tinatahak ni Robredo at lumalabis sa itinakdang kapang­yarihan niya bilang drug czar.

“She may not realize it but she could be treading on dangerous grounds. It could be an overreach of the granted authority hence the reminder,” dagdag ni Panelo.

“Any appointment made by the appointing authority must be exercised strictly in accord with law and never diametrically opposed to the interest and security of the State,” ani Panelo.

Matatandaan, sinabi ni Robredo na kakausapin niya ang Amerika at UN para maging maayos ang kampanya kontra illegal drugs sa Filipinas.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …