Thursday , June 4 2026
road accident

19 patay, 22 sugatan sa truck na nahulog sa bangin sa Apayao (Kumuha ng binhi at tulong)

IMBES karagdagang kabu­hayan, sariling buhay ang ibinuwis ng 19 katao kabi­lang ang ilang senior citizens,

nang mahulog ang sinasakyan nilang Elf truck sa isang bangin sa bayan ng Conner, lalawigan ng Apayao dakong 7:00 pm nitong nakaraang Huwe­bes, bisperas ng Undas, 31 Oktubre.

Nabatid sa mga imbes­tigador, sugatan ang 22 iba pang pasahero ng nabang­git na truck.

Kinilala ang mga bina­wian ng buhay na sina Beverly, Jason, Brenda, at Imelda Talay; Mamerto at Susan Milo; Amparo Aberion, 63 anyos; Domingo Asperela, 66 anyos; Pacita Dajucon; Mercy Gundan; Leticia Patay, 49 anyos; Conrado Subatan, 70 anyos; Claro Mamauag, 79 anyos; Rose at Ludalina Molina; Fermelina Dacuy­cuy; Rudy Pagtama; Rey­mun­do Sosa, 79 anyos; at Margie Agustin-Pamittan, 66 anyos.

Sa ulat sinabing, galing sa lalawigan ng Kalinga ang mga biktima na pawang residente sa Bgy. Lattut sa bayan ng Conner. Nabatid na tumanggap sila ng salapi at mga butong pananim bilang tulong mula sa gobyerno.

Pauwi sa Apayao ang mga magsasaka sakay ng truck nang maganap ang insidente.

Ayon kay Mylz Ginez ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck nang masira ang preno kaya nahulog sa bangin at bumaligtad.

Nakuha ang lahat ng katawan mula sa Sitio Karikitan, Bgy. Gassud ha­bang patuloy ang imbesti­gasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …