Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine Lustre, nahihirapan at emosyonal sa Your Moment

HINDI kasama ni Nadine Lustre ang boyfriend na si James Reid sa bagong talent reality format sa ABS-CBN, ang Your Moment kaya naman hiningan ito ng reaksiyon sa pagkakahiwalay nila ng trabaho.

“Like I said po before hindi naman po puwedeng parati kaming magkadikit, kailangan mayroon din kaming time mag-grow separately kasi lagi naman pong ganoon para at least ‘pag nagkaroon kami ng projects in the future, lahat ng tao ma-excite naman,” katwiran ng girlfriend ni James.

At sa pagiging isa sa hurado ay inamin ni Nadine na hindi madali para sa kanya.

“Honestly, mahirap mag-judge kasi lahat ng contestants napakagagaling kaya at the end of their performances, since very emotional na ako at sabi nga kung paano ‘yung emotional meter parang every after performance, kapag nagtatanggalan na sabi ko, ‘oh my God, sana hindi sila ‘yung natanggal!’

“Kaya lang siyempre mayroon at mayroong darating na mas magaling sa kanila kaya survival of the fittest talaga.”

Inilarawan naman ni Boy Abunda kung paano ang aktres bilang hurado, “Nadine has a very strong opinion, let’s be very honest kasi siyempre lahat kami madadaldal at from the very beginning, we made sure that she was heard kasi ‘yung baon niyang point of view ay iba.”

Nabanggit din ng dalaga na noong tanggapin ni James ang Idol Philippines bilang isa sa hurado ay humingi sa kanya ng tips ang boyfriend.

“Sa akin po siya humingi ng tips (sabay tawa kasama sina Billy Crawford at Kuya Boy).  Kasi ‘di ba nag-judge rin po ako saglit sa ‘Ms Q and A’ (It’s Showtime), so tinatanong po niya ako kung paano ko nasasabi o napapansin ‘yung performance, paano mo naiisip kung ano ‘yung gusto mong sabihin o gusto mong i-comment. This was before pa –start palang ‘yung ‘Idol Philippines,’” pambubuking ng aktres.

Mapapanood na ang Your Moment sa Nobyembre 9 kasama sina Luis Manzano at Vhong Navarro bilang hosts; sina Boy, Nadine, at Billy naman ang mga hurado.

Magsisimula sa black and white ang bawat performance ngunit habang tumatakbo ito ay unti-unting magkakakulay at magkakailaw ang stage, samantalang tatlong beses namang kailangang magbigay ng score ang judges gamit ang ‘emotion meter knob’ mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10. Lalabas din sa screen ang ‘emotion meter’ na ipakikita ang scores ng judges sa tuwing papatak sa tatlong ‘time markers’ (20 segundo, 60 segundo, at 90 segundo) ang performance.

Apat na levels ang kailangang pagdaanan ng acts sa kompetisyon bago tanghaling grand champion: ang Your First Moment, Your Moment of Choice, Your Moment of Power, at Your Grand Moment.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …