Friday , August 12 2022

Barretto sisters, kanya-kanyang bukuhan

ISANG masilang showbiz ang nasaksihan ng publiko ng mga nakaraang araw.

Namumutiktik ang mga pahina ng mga diyaryo  ng mga kaganapan sa burol ng Barretto patriarch (Daddy Mike kung tawagin). At sa bawat gabi ng burol ay nadaragdagan pa ang mga eksena na akala ng lahat ay mga tagpo sa teleserye pero nangyayari rin pala sa tunay na buhay.

Sulatin mo kung ano ang nangyari halimbawa ngayong gabi, tiyak na paso o panis na ito kinabukasan dahil may panibago nang naganap and the funeral nights thereafter.

Nag-iiba-iba man ang eksena, pero tumataas ang intensity nito tampok ang pare-parehong cast of characters sa kanilang walang-kamatayan at ayaw paawat na komprontasyon na hindi inensayo ang mga linya.

Mahihiya nga ang alinmang fictional drama sa telebisyon o sa pelikula involving feuding members of the family dahil sa tindi ng away ng mga magkakapatid na Barretto, isama pa ang isa nilang pamangkin na nakisahog na rin sa isang okasyon na dapat sana’y binigyang respeto alang-alang sa namayapa.

Tapos na ang mga gabing ‘yon na—sa aminin man ng mga tao o tauhang sangkot doon—lalo pang nag-iwan ng pangit na impresyon sa mata ng publiko.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na wari’y watak-watak ang pamilyang ito. Pero hindi inakala ng balana na ibubuyangyang nila ang kanilang alitan na parang entertainment na ito na kailangang pagpistahan.

Puwede naman muna silang magdeklara ng truce o ceasefire bilang respeto sa namayapa, at magbangayan uli ‘pag naihatid na ito sa kanyang huling hantungan.

But it wasn’t so.

Ang mas nakahihiya, the warring parties unknowingly involved the public na binigyan nila ng karapatang masilip ang dapat sana’y isang pribadong usapin.

As active as their social accounts, ang mga gabing burol na ‘yon ay ginawa nilang katumbas ng Facebook, InstagramTwitter at kung ano-ano pang media platform put together para isapubliko ang kanilang mga asal o damdamin na parang ipinagyayabang pa.

Maanong nag-irapan o nag-isnaban na lang ang mga nagkakaalitang magkapatid sa burol. Pero hindi. Nagkaroon pa ng pisikalan na humantong sa pagbabanta at pagkalkal ng mga sarili nilang baho na natuklasan tuloy ni Aling Tacing.

Dati na namang may idea si Aling Tacing, na mahusay manghula kung sino ang mga nasa blind item. Pero dahil sila-sila na rin mismo ang nagbuko sa kanilang mga sarili, panatag na ang tulirong utak ni Aling Tacing sa kakahula.

Pero desmayado si Aling Tacing. Kahit kasi hindi siya mapera, Inglisera at ipinanganak na maganda, taglay niya ang kagandahang-asal lalo na sa isang okasyong dapat ipinaiiral ang respeto at kahihiyan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply