Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Ex-parak tigbak sa riding-in-tandem; Traffic enforcer utas din sa Pasay

PATAY ang isang dating pulis-Pasay nang barilin sa ulo ng dalawang hindi kilalang armadong sus­pek habang kumakain kasama ang anak na lalaki at nadamay rin ang isang babae na tinamaan ng ligaw na bala sa isang karinderia, nitong Linggo ng gabi sa Pasay City.

Dead on-the-spot sa pinangyarihan ang bikti­mang si Joselito Lopez, 46, dating nakalatalaga sa Station Intelligence Unit ng Pasay City Police sa Apelo Cruz St. Ext., Malibay, Pasay City, may dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang ginang na kinilalang si Arlene Israel, 31, ng 455 Tramo St., EDSA,  na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita.

Sa ulat ni Pasay police chief P/Col. Bernard Yang,  naganap ang pa­ma­maril dakong 10:55 pm nitong Linggo habang kumakain si Lopez kasama ang kanyang anak, 21 anyos (hindi binanggit ang pangalan) sa Cusi-Nah Restaurant sa Zamora St., Barangay 95 Zone 11, Pasay City.

Nilapitan umano ng dalawang ‘di kilalang armadong lalaki ang biktima saka sabay na pinaputukan nang dala­wang beses sa ulo na kanyang ikinamatay.

Ang pangyayari ay ikinagulat ng anak ng biktima nang makitang duguang bumagsak ang kanyang ama.

Matapos ang pama­maril tumakas ang mga suspek sakay ng isang hindi naplakahang motor­siklo.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa dating trabaho ni Lopez ang pagpaslang sa kanya.

Sa report, sinabing may kinakaharap uma­nong kaso ang naturang pulis sa Office of the Ombudsman (hindi binanggit ang kaso) hanggang nagkaroon ng dismissal at natanggal sa serbisyo.

Iniutos ni Col. Yang sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa pagpatay kay Lopez at busisisiin din ang close circuit television (CCTV) camera kung nahagip para sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

Traffic enforcer utas din sa Pasay

ISANG traffic enforcer sa Pasay City ang pinaslang ng hindi kilalang lalaki kahapon ng umaga sa  naturang lungsod.

Kinilala ang napatay na biktimang si Joey de Chavez, mula sa tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya pasado 9:00 am nang mangyari ang insidente sa EDSA Ext., sa nasabing lungsod.

Sa paunang imbes­tigasyon lulan ng motor­siklo ang biktima at may hinahabol umanong kolo­rum na sasakyan nang pagbabarilin sa hindi batid na dahilan ng hindi kilalang suspek.

Patuloy na nagsasa­gawa ng follow-up investigation ang mga imbestigador ng Pasay police para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …