Saturday , November 16 2024

Publiko puwede nang magreklamo sa text laban sa ‘red tape’

MAAARI nang maghain ng reklamo ng mga paglabag sa Republic Act 11032, o ang anti-red tape act, sa pamamagitan ng text o sa social media, ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Atty. Jere­miah Belgica sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa makasaysayang Café Adria­tico sa Malate, Maynila.

Nilagdaan ang Imple­menting Rules and Regu­lations (IRR) ng RA 11032, o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, noong nakaraang bu­wan ng Hulyo at dito naka­saad ang bahagi ng nasa­bing ahensiya bilang pangu­nahing tanggapan na mag­sa­sagawa ng imbesti­ga­syon sa mga kaso ng pagla­bag sa batas na nagtatakda ng deadline o palugit sa mga ahensiya ng pamahalaan para kompletohin ang mga transaksiyon sa gobyerno ng mamamayan.

Inilinaw ni Belgica, may kapangyarihan ang ARTA na tumanggap ng mga reklamo mula sa publiko sa multiple format, kabilang ang text messages, pagtawag sa ARTA hotline, at social media post, kung ang rekla­mo ay may kalakip na pagka­kakilanlan ng nagrereklamo at gayondin ang mga contact detail nito, bukod sa mga detalye ukol sa inirere­klamong ahensiya ng go­byerno at uri ng transak­siyon at katibayan na kakailanganin.

Kasunod ng inisyal na reklamo, magsasagawa ng imbestigasyon ang ARTA at saka magdedesisyon kung maipagpapatuloy ang pormal na reklamo habang binibigyan ng karapatan ang ahensiyang inirereklamo na sagutin ang hinaing laban sa kanila.

Kung sakaling hindi sapat ang paliawang ng ahensiya, saka lang magha­hain ng final complaint laban dito.

Batay sa RA 11032, requirement sa lahat ng sangay ng pamahalaan na iproseso ang mga simpleng transaksiyon sa loob ng tatlong araw at yaong mga complex transaction sa loob pitong araw at kung highly-technical transaction naman sa 20 araw.

Kailangan tugunan ng mga lumabag ang mga reklamo laban sa kanila sa Civil Service Commission (CSC) o sa korte. Nakasaad sa batas ang kaukulang mga kaparusahan sa paglabag nito, kabilang ang sus­pen­siyon hanggang pagkakaalis sa serbisyo at pagkawala ng mga benepisyo, depende sa bigat ng pagkakamali at pag-ulit ng mga paglabag.

“We could file a case with the civil service, with the Ombudsman and other appropriate courts. Puwede rin ho kaming mag-file din ho ng (We could also file) reports and complaints (to the) Office of the President and other administrative agencies that that specific person actually belongs to,” punto ni Belgica.

Inihayag ng hepe ng ARTA ang kanilang complaint channel sa ARTA website, ang 8888 hotline, Facebook page ng ARTA, at ang CSC contact center, na maaaring ma-contact sa 0908-881-6565.

Plano rin umano ng ARTA na ilunsad ang kani­lang 1-ARTA hotline nga­yong buwan.

(TRACY CABRERA, may kasamang ulat ni RICA ANNE D. DUGAN, trainee)

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *