Thursday , June 4 2026

CPP-NPA leader nasakote sa QC

ISANG mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), National Democratic Front (NDF), ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa Cubao, Quezon City.

Sa ulat ni QCPD Director, P/BGen. Jose­lito Esquivel kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Guillermo Lo­renzo Eleazar, ang nada­kip ay kinilalang si Ester­lita Suaybaguio alyas Nali, Loida at Ester, 60 anyos, secretary ng Metro Manila Regional Party Committee (MMRPC).

Ayon kay QCPD-DSOU chief, P/Lt. Col. Gil Torralba na nanguna sa operasyon, si Suaybaguio ay naaresto nitong 26 Agosto 2019, dakong 1:50 am, sa Room 9H, 9th Floor Tower 5, Escalades Condominium, sa 20th Avenue, Cubao.

Ani Torralba, kani­lang dinakip kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) si Suaybaguio sa bisa ng search warrant na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89.

Nakuha sa tinutu­luyan ni Suaybaguio ang isang cal. 9mm; isang magazine ng cal. 9mm; limang bala ng cal. 9mm; isang granada; at sub­versive documents.

Bago sinalakay ang condo unit ni Suaybaguio, isang concerned citizen ang nagtimbre sa pulisya hinggil sa presensya ni Suaybaguio sa Escalades Condominium na armado ng cal. 9mm dahilan para kumuha ng search warrant sa korte ang grupo ng DSOU.

Sa tulong ng AFP at NCRPO, sinalakay ang condo unit ni Suay­ba­guio.

Samantala kinon­dena ng NDF ang pag-aresto sa kanilang peace consultant.

Sa pahayag, sinabi ni NDFP Negotiating Panel Chairperson Fidel Ag­cao­ilim si Suay­baguio ay nas ailalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guaran­tees (Jasig), may Docu­ment of Identification (DI) Number ND 978447 bilang second consultant para sa Mindanao. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …