Saturday , November 16 2024

Lotto ibinalik ng Palasyo

TINANGGAL ng Palasyo ang sus­pensiyon sa operasyon ng lotto.

Inihayag ito kagabi ni Presidential Spokes­person Salvador Panelo.

Aniya, “Suspension of lotto operations have been lifted, effective immediately.”

Dakong 9:53 kagabi, inihayag na ang suspen­siyon sa lotto operations, as per Executive Secretary Salvador Medialdea, ay tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit inilinaw na ang iba pang gaming opera­tions na may prang­kisa, lisensiya o permit mula sa

Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO), gaya ng Small-Town Lottery (STL), Keno, at Peryahan ng Bayan (PNB), ay mana­nati­ling suspendido ha­bang iniimbestigahan ang ilegal na aktibidad at mga katiwalian kaugnay nito.

Mananatili ang sus­pensiyon hanggang masu­ri ng Office of the Pre­sident ang resulta ng imbestigasyon.

Nguit ang franchise holders at mga operator lotto outlets ay makaba­balik na sa kanilang operasyon.

ni ROSE NOVENARIO

LOTTO EMPLOYEES

BUHAY NAMAN

NOON PA

— PANELO

“BAKIT noong hindi ba sila empleyado, hindi sila nabubuhay?”

Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nang uriratin ng media kung ano ang mangyayari sa libo-libong empleyado na nawalan ng trabaho nang ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Imbes bigyan ng pag-asa ang mga empleya­dong nawalan ng trabaho bunsod ng desisyon ng Pangulo, tila inuyam pa sila ni Panelo nang sabihin na nabuhay naman sila kahit wala pa ang lotto, STL outlets ng PCSO.

“Noong wala pa ang outlets na ‘yan, nabubu­hay naman sila,” ani Panelo.

Inamin ni Panelo, walang alternatibong kabu­hayan na maibibigay ang pamahalaan sa mga nawalan ng trabaho at mistulang minaliit ang epekto nito sa kanilang buhay.

“Sa ngayon, wala. I’m sure ‘yung mga naapek­tohan, hindi naman sila gano’n kahirap. Nakaipon naman siguro sila habang nag-o-operate,” sagot ni Panelo nang tanungin kung anong alternatibong trabaho ang iaalok ng gobyerno sa mga nawalan ng trabaho.

Iginiit ni Panelo na hindi dapat i-underes­timate ang kakayahan ng mga Filipino dahil naka­gagawa sila ng paraan sa tuwina para mairaos ang buhay.

Walang inianunsiyo si Panelo kung kailan mag­pa­patuloy ang gaming operations ng PCSO maging ang pagsisiwalat ng mga nagsabwatan sa ‘massive corruption’ sa ahensiya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *