Sunday , December 22 2024

Formula ni Isko ipatutupad sa Metro Manila — DILG chief Año

IPATUTUPAD sa buong Metro Manila ang formula ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglilinis ng mga kalye upang maibsan ang problema sa trapiko.

Tiniyak ito ni Depart­ment of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa post-SONA briefing kahapon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duter­te na linisin ang mga pampublikong lugar para magamit ng taong bayan.

“Dito sa Metro Manila, ang mga kalye ay ginagawang tianggehan, tindahan ng vendors at parking areas. We will change that, gaya sa Maynila na ginagawa ni Mayor Isko Moreno, ‘yung Divisoria malinis na ngayon, tinanggal niya ang vendors dito,” ani Año.

Ang unang hakbang aniya upang mapaluwag ang trapiko ay magsasa­gawa ang DILG ng imbentaryo ng lahat ng kalye sa Metro Manila na ginawang private roads.

Ang ikalawang para­an aniya ay pagkakaroon ng kasunduan sa gated subdivisions upang ipagamit ang kanilang mga kalye kapag rush hours bilang alternatibong ruta ng mga sasakyan.

Ang ikatlong hakbang aniya ay ipatupad ang memorandum of agree­ment sa pagitan ng DILG-NCR at Metro Manila Development Authority (MMDA) na saklaw ang 110,710 barangays, at aalisin sa mga kalye ang lahat ng obstruction at illegal parking.

Sa panig ng law enforce­ment, bahala aniya ang Philippine National Police (PNP) sa pang­huhuli sa mga kolorum at lumalabag sa batas trapiko.

Nagbabala si Año na sususpendehin niya ang sinomang lokal na opisyal na hindi makikipag­tu­lungan sa direktiba ng Pangulo.

“As the President said, I will initiate investigation that will even lead to suspension of local chief executives who will not follow direct orders from the Pre­sident,” dagdag ni Año.

ni ROSE NOVENARIO

Clean-up campaign
ni Mayor Isko
gagayahin ng DILG

TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duter­te na susundin ang kaniyang kautusan na bawiin ang lahat ng pampublikong kalsada na ginagamit sa pansa­riling interes.

Sa post-SONA press briefing, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, ipatutupad ng kaga­waran ang katulad na clean-up campaign ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso.

Aniya, makikita sa Metro Manila pa lamang ang ilang kalsada na ginagawang tiangge, tindahan ng mga vendor at parking area.

Magsasagawa rin ng inventory ang kagawaran sa lahat ng kalsada sa Metro Manila na ginaga­mit bilang pribadong kalsada.

Dagdag ni Año, maki­­kipagkasundo sila sa mga subdivision kung maaring gawing alter­natibong daanan ng mga motorista tuwing rush hour para makabawas sa sikip ng trapiko.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *