TODAS sa pamamaril ang executive officer ng Barangay 275 sa Gate 47 ng Parola Compound nitong Martes ng hapon.
Ayon kay P/Cpl. Tadeus ng Manila Police District Station 11, isang tama sa ulo ang nagpatumba kay Dario Habal.
Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Hospital sa Tondo.
Ayon kay Joel Balenya, bayaw ng biktima, nakatanggap ng banta sa buhay si Habal.
Nag-iimbestiga na ang pulisya sa pamamaslang kay Habal na nabatid na kababata at naging kaklase pa noon ni Mayor Isko Moreno.