Thursday , June 4 2026

Sa Speakership race… Maagang nag-iingay laging butata — Casiple

NOON pa man, ang karaniwang nagbubuhat ng bangko na siyang susunod na House Speaker ang siyang lumalabas na kulelat.

Ito ang reaksiyon ng isang political analyst kasunod na rin ng obser­basyon na may front­runner na sa House Speakership race na maaaring makopo umano ng isang kandidato na may backer na business magnate at isa pa na may nakuhang maraming suporta mula sa mga kapwa mambabatas.

Pinasaringan ni Casiple si House Minority Leader Danilo Suarez sa pagsasabing mayroon nang 153 lawmakers ang lumagda sa manifesto of support para kay Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ani Casiple, hindi totoo at maituturing na imposible ang ipinala­labas ni Suarez.

Aniya, walang mam­ba­batas ang lalagda at magbibigay ng kanilang suporta batay lamang sa ipinakalat na manifesto.

Una nang pinangu­nahan ni Suarez ang pag­pa­paikot sa Kamara ng manifesto bilang pagsu­porta sa pagtakbo ni Romualdez  at ipinag­ma­laki na nakuha ni Ro­mualdez ang magic number para maipanalo ang Speakership.

Komento ni Casiple, karaniwan kung maingay sa laban ay siyang nahu­huli habang ang tahimik ang siyang mas mara­ming endoso at kompi­yansa sa botong maku­kuha.

Ukol sa suhulan sa Kamara na umabot na umano sa P7 milyon ang vote buying sa Speaker­ship, naniniwala si Casi­ple sa pagmamaniobra ng business tycoons para maipuwesto ang kanilang manok sa pinakamaka­pangyarihang posisyon sa Kamara.

Aniya, noon pa man ay may impluwensiya na ang mga negosyante na tahimik na nagpopondo sa kanilang mga kandi­dato.

Nauna nang iniugnay ang isang business tycoon na umano’y nagpopondo sa kandidatura ni Marin­duque Rep. Lord Allan Velasco sa Speakership.

Para naman sa isa pang political analyst na si Ranjit Rye ng Uni­versity of the Philippines, maituturing na may “edge” sa mga kandidato si dating senator at ngayon ay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano dahil siya ang may sinabi pagdating sa lawak ng karanasan sa politika at may mahusay na working relationship sa Pangulo.

Itinuturing na krusyal ang nalalabing tatlong-taon termino ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na maisusulong ang kanyang mga legis­lative agenda.

Dagdag ni Rye, naging vice presidential candidate ni Duterte si Cayetano noong 2016 elections na isa sa mabi­gat na puntos niya.

Aniya, dito lamang ay iba na ang samahan sa pagitan ng Pangulo at ni Cayetano na wala sa mga  kalaban niya sa Speaker­ship race.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …