Thursday , June 4 2026
INIINSPEKSIYON ni NCRPO director P/MGen. Guillermo Eleazar ang P8.5 milyong halaga ng party drugs na nabisto ng housekeeping attendant ng isang five-star hotel sa BGC, na si Vimvoo Crispino. Nadiskubre ang droga sa bukas na pinto at bukas na safety deposit box kaya agad humingi ng tulong sa PNP Taguig City na ikinaaresto ni Domingo Uy (naka-sweatshirt na hoodie), nitong Martes ng madaling araw sa Taguig City. (ALEX MENDOZA)

Sa Shangrila BGC… Negosyante arestado sa P8.5-M party drugs

NAARESTO ng mga operatiba ng Taguig police at Philippine Drugs Enforcement  Agency (PDEA) ang isang lalaking negosyante na hinihi­nalang miyembro ng sindikato.

Nakompiska ang aabot sa P8.5 milyong halaga ng party drugs sa isang five-star hotel sa naturang lungsod kama­kalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Domi­ngo Tanyao Uy Jr., 44, Filipino Chinese, nego­syante, may address na 2803 Balete Drive, Andres North Condominium, Quezon, City pero nanu­nuluyan sa Shangrila Hotel sa BGC, Taguig City.

Nauna rito, nakatang­gap ng impormasyon ang pulisya buhat sa security personnel ng nasabing hotel tungkol sa ilegal umanong gawain ni Uy kaya naglunsad ng ope­rasyon ang magkasanib na puwersa ng Taguig police at PDEA.

Nang arestohin si Uy sa kanyang condo unit nakompiska sa kanyang pangangalaga ang anim na transparent sachets na may 4,038 piraso ng ecstacy na tinatayang P6,864,600 ang halaga.

Nakompiska rin sa kanya ang 22 transparent plastic bags na nagla­laman ng MOL 350 grams ng cocaine na nagka­kahalaga ng P1,855,000 at tatlong piraso ng vacuum sealed plastic bag  na may lamang MOL 103 grams, tinatayang nagkakahalaga ng P 51,500.

Bukod sa tatlong piraso ng transparent bottle na may lamang yellow liquid na umano’y droga, iba’t ibang dokumento at P720,346 cash din ang natagpuan say unit ni Uy.

Ipaghaharap si Uy ng kaso dahil sa paglabag sa Sec. II Art. II of R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay NCRPO Director P/Maj.Gen. Guillermo Eleazar, tina­wag na “lucky break” o natsambahan ang nasabing insidente dahil wala umano sa radar ng NCRPO ang suspek na si Uy.

ni MANNY ALCALA

(May kasamang ulat ni JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …