Wednesday , December 25 2024

Panalo ng mga kandidato ni Digong, tiniyak ni Koko Pimentel

IDINIIN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na sa pinakahuling survey na nagpapakita na napakataas ng porsiyento ng mga Filipino –– halos 80% –– ay masaya sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte; kaya naniniwala siya na ito ang magdadala ng panalo sa mga kandidatong senador ng Partido Demokratiko Pilipilino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Hugpong ng Pagba­bago.

“When the President ran in 2016, dalawa po ang ipinangako niya: tapang at malasakit. And in the first three years of his administration, he has displayed both. Nakita niya na sobrang grabe na ang environmental damage sa Boracay, so ipinasara niya hanggang maayos ang Boracay at masiguro na sumusunod sa batas ang mga resort sa isla na iyan,” ayon sa senador mula sa Minda­nao.

Inilinaw rin ni Pimentel na bagamat may mga kritiko ang Pangulo ay nagtagumpay sa pagsugpo sa kriminalidad kaya makikita ngayon ang kapayapaan at kaayusan.

“He is tough on crime, tough on drugs, and tough on those who would corrupt our youth and threaten our families. Kaya naman po sabi din ng mga surveys our people agree with the war on drugs, they feel safer when they walk our streets, and they are satisfied with how the government has handled peace and order,” diin ni Pimentel na nag-topnotcher sa Bar examinations noong 1990.

“Ipinakita rin ni Presidente ang malasakit niya para sa ating mga kababayan. Kung titingnan mo ang mga batas na ipinasa ng administrasyon sa nakalipas na taon, these are laws that have a huge impact on the lives of our people: free college tuition, free irrigation, free internet, at isang national feeding program para sa mga batang mag-aaral. Bukod dito, kasama rin ang pagbaba ng income tax at pagtanggal ng VAT sa mga gamot para sa diabetes at hypertension. These laws show that the President cares, and our people appreciate and acknowledge that.”

Sa resulta ng mga survey na nakapasok sa Magic 12 ang mga kandidato ni Duterte, naniniwala si Pimentel na hindi na mababago ang trending na ito.

“We must all keep in mind that surveys are only a snapshot of public opinion at a given time. Pabago-bago mga ranking namin, pero tama ka na karamihan ng nakapasok sa top 12 ay mga kaalyado ni Pangulo,” dagdag ni Pimentel. “But I think it goes beyond popularity. I believe our countrymen see the benefits of a Senate that is willing to work with the Executive to pursue a common vision, a common goal.”

“With three years to go, there is still unfinished business that needs to be done, priority bills of the President that we need to pass. Kailangan natin ang isang batas para matapos na ang endo; a review of procurement laws, the creation of the Department of Overseas Filipino Workers and the creation of Department of Disaster Risk Reduction and Management,” dagdag ni Pimentel.

“These are important measures that have a greater chance of becoming laws if we have a Senate composed of individuals who share the President’s desire to improve the lives of our people.”

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *