NAGING makatotohanan ang bugbugan at sakitan ng dalawang kontrabidang sina Katrina Halili at Gladys Reyes sa To Da One I Love na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.
Sa naturang eksena, napahanga ng dalawa ang mga televiewer sa maangas nilang pisikalan.
Maraming nakapuna na tila lumagpas na kanyang limit si Gladys sa pananakit kahit pa sabihing sadyang tunay na actress ito. Walang peke, sampal kung sampal, sabunot kung sabunot.
Sa eksena nila ni Katrina tila may tagong galit si Gladys kay Katrina at sinaktan niya ng todo ito.
Depensa ni Katrina, okey lang dahil sa pinag-uusapan naman nila ang gagawin. Alam din nito na hindi talaga maiiwasan na may masaktan sa ganoong eksena.
Pabiro namang tugon ni Gladys, sa galing umarte ni Katrina at game na game kahit sa anumang eksena, feeling niya na ang sarap saktan din ng aktres.
Pero in the end kapwa sinabi ng dalawa na walang pikunan at wala namang bukol o dugong dumanak. (Joe Cezar)