Saturday , November 23 2024

Family Zone inilunsad sa Navotas

PARA magkaroon ang bawat pamilyang Navoteño ng lugar para makapag-bonding at makapag-ehersisyo, sinigurado ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang bahagi ng Radial Road 10 (R10) at idineklara ito bilang Family Zone.

Ayon sa City Ordinance No. 2018-23, isasarado ng lungsod ang kahabaan mula Navotas bus terminal hanggang sa Old Fishport Road tuwing Linggo mula 5:00 am hanggang 8:00 am

Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Navotas Family Zone, binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng pagka­karoon ng open spaces sa lungsod.

“Importante ang pagkakaroon ng open spaces sa kabuuang kalusugan ng bawat Navoteño. Sa paglulunsad natin ng ating Family Zone, binibigyan natin ang bawat pamilyang Navoteño ng lugar kung saan sila puwedeng mag-bonding pati na mag-bike, tumakbo at gumawa ng pisikal na aktibidad,” aniya.

Sabi ni Tiangco, umaasa siyang makatutulong ang Family Zone para maging mas malapit ang mga magulang sa kanilang mga anak at mapatatag ang relasyon ng mga pamilya.

Ang launching cere­mony ay nagtampok ng zumba marathon na nila­hukan ng family-bene­ficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga miyembro ng C4 Aero-Taebo Civic Organization, at ng Navotas Funbikers Association.

Matapos ang programa, tumungo si Tiangco, kasama si Vice Mayor Clint Gero­nimo at iba pang opisyal ng lungsod, sa Navotas Centennial Park at naglaro ng patintero at 3-on-3 shootout. Nagpahayag din siya ng plano na magsasa­gawa ang lungsod ng lingguhang aktibidad sa Centennial Park tulad ng Guhit Pinas-Navotas art jam, Philippine game tournament, basket­ball clinic kasama ang Navotas Clutch, at iba pa. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *