Thursday , June 13 2024

Dagdagan natin ang babae sa Senado — Grace Poe

HINILING ni Senadora Grace Poe sa samba­ya­nang Filipino na iboto ang mga babae sa Senado upang mabalanse ang representasyon sa kala­lakihan.

Sa pagsasalita sa National Women’s Month Celebration sa Tagbilaran City, Bohol kamakailan, hiniling ni Poe na iboto ng sambayanan ang mga kandidatong kababaihan sa eleksiyon sa 13 Mayo 2019.

“Ang lakas ng kaba­baihan ay lakas ng samba­yanan. Ngayong Mayo, iboto natin ang mga kababaihan sa Senado para sa higit na representasyon ng mga kabaro natin,” ayon kay Poe. “Daghang salamat, Bohol, sa pag-imbita kanako diri sa inyong National Women’s Month celebration.”

Bumisita rin si Poe sa Panglao at humanga sa magandang dalampasigan nito na pangunahing atrak­siyong pangturista.

“Winner ang Bohol dahil sa magandang dalampa­sigan at dagat nito. Makiki­pagtagisan sa pinaka­magaganda sa mundo ang beaches rito. Hamon sa ating panatalihin ang likas na ganda ng lugar habang pinau­unlad ito sa pama­magitan ng turismo,” diin ng senadora na laging topnotcher sa mga survey, pinakahuli ang Pulse Asia at Social Weather Station.

“Suportahan natin ang ating lokal na turismo. Ibalik natin si Grace Poe sa Senado para sa patuloy na pagsuporta sa sustainable tourism sa ating bansa,” dagdag ni Poe.

About hataw tabloid

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *