Saturday , November 16 2024
Butt Puwet Hand hipo

Karpintero ‘naglagari’ ng dakma sa kaselanan ng dalagang pharmacist (May blackeye na, himas-rehas pa)

KULONG matapos ma­ka­tikim nang matinding sapak sa isang dalagang pharmacist ang isang karpinterong manyakis na dalawang beses dinakma ang kaselanan ng babaeng kasakay sa pampa­sahe­rong bus habang buma­baybay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Lodgerio Navarte, 53 anyos, taga-Kabesang Porong St., Punturin, sa nasabing lungsod na sinampahan ng pulisya ng kasong Acts of Lasci­viousness sa piskalya ng Valenzuela City.

Sa pahayag sa pulisya ng 31-anyos dalagang pharmacist ng isang kilalang botika, dakong 9:05 pm, katabi niya sa upuan sa sinasakyang pampasaherong bus ang suspek pero pagsapit sa Valenzuela Gateway Complex Terminal sa Paso de Blas, naram­daman niyang dumapo sa maselang parte ng kanyang katawan ang kamay ng lalaki.

Natakot at nabalisa ang biktima ngunit mu­ling dinakma ni Na­var­te ang maselang parte ng kata­wan kaya’t sa pag­kakataong iyon, biglang inundayan ng isang malakas na suntok ang suspek na ikinabigla ng iba pang pasahero ng bus.

Nagkataon na nagpa­patrolya sa naturang lugar ang mga tauhan ng Valenzuela Police Com­munity Precinct (PCP) 1 sakay ng kanilang mobile patrol kaya’t nakahingi kaagad ng tulong ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *