Thursday , July 7 2022

NDF peace consultant, retiradong pari arestado sa Cavite

DINAKIP ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) dahil sa illegal possession of firearms sa lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite nitong Miyerkoles.

Nakatakdang sumai­lalim sa inquest procee­dings ang suspek na kinilalang si Renante Gamara kahapon, kaha­pon, sa Department of Justice sa Maynila, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ikalima si Gamara sa NDFP consultants na inaresto simula nang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosasyong pangka­payapaan noong Disyem­bre 2017.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasamang nada­kip ni Gamara si Arturo Joseph Balagat, isang retiradong paring Kato­liko mula sa Diocese of San Bernardino sa California, USA.

Nabatid na namu­muno si Balagat sa Con­cern Multipurpose Coo­perative.

Sa magkahiwalay na panayam sa telepono kina Eleazar at S/Supt. Wil­liam Segun, hepe ng Cavite police, sinabi nilang naaresto sina Ga­ma­­ra at Balagat ng pinag­sanib na puwersa ng pulisya at ng Armed Forces of the Philippines sa isang “underground safehouse” sa Barangay Poblacion II-A bandang 5:30 pm nitong Miyer­koles.

Ayon kay Eleazar, mayroon silang warrant of arrest para sa illegal possession of firearms na inilabas ni Judge Cynthia Marino-Ricablanca ng RTC Branch 27 sa Sta. Cruz, Laguna.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang hand grenade, 9mm kalibreng baril, P90,000, at mga subersibong doku­mento.

Noong Abril 2012, nadakip din si Gamara sa lungsod ng Las Piñas ngunit agad din pina­walan upang makasali sa 2016 peace talks sa Oslo, Norway.

Kaslaukuyang naka­piit si Gamara at Balagat sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at sasam­pahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10915 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013), paglabag sa RA 9516 (Illegal Posses­sion of Explosives) at paglabag sa Omnibus Election Code. (May kasamang ulat ni JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

Leave a Reply