Kalusugan ni Duterte nasa maayos na kondisyon

NASA mabuting kondi­syon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te matapos ang mi­graine attack noong Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong oras na pahinga ang ginawa ng Pangulo matapos maka­ra­nas ng migraine at hindi nakadalo sa dalawang pagtitipon.

Nanatili aniya sa kanyang bahay ang Pa­ngu­lo at doon na nagtra­baho.

“He is okay. As I said, he concentrated on his work – the paper work, there are so many things to read and to study,” aniya. Mula noong Sabado hanggang ngayon ay walang official schedule ang Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)