Tuesday , December 24 2024

Jobs bubuhos sa ‘unli’ towers (Towercos duopoly plan ipinaaabandona ng Solons sa Duterte advisers)

SINABI kahapon ng Department of Infor­mation and Communi­cations Technology (DICT) na aabot sa 10 milyon  hanggang 25 mil­yon trabaho ang lilikhain ng malayang merkado para sa telco tower builders.

“The rationalization of the telcos and the cell site builders and operators will accrue to the benefits of millions of subscribers in particular, and the Filipinos in general,” wika ni acting DICT Sec. Eliseo Rio, Jr.

Inihayag ni Rio, ang positibong pananaw habang tinatapos ng DICT ang final copy ng common tower policy, aniya, ay magbibigay-daan para mapaghusay ng  market-driven forces ang telecommunication services.

Paliwanag ng DICT chief, ang pinakamaha­lagang benepisyo ng common tower policy sa ekonomiya ng bansa ay malaking income na malilikom nito.

Sa pagtaya ng DICT, nasa P200 bilyon ang potential gross income mula sa maraming intere­sadong cell site builders na magtatayo at mag-o-operate ng kinakailangan pang 35 towers para sa ‘shared use’ ng telcos.

Ayon sa ahensiya, may 25 milyon na trabaho ang lilikhain nito base sa 200 hanggang 500 work­ers para sa bawat tower para sa kabuuang 50,000 towers na kinakailangan sa buong bansa.

Dagdag ni Rio, ang tower sharing policy ay inaasahan din makapag­papalakas sa financial capacity ng telcos sa pagpapahusay sa kani­lang serbisyo sa mga subscriber.

Paliwanag niya, ang savings ng telcos mula sa pagtatayo at pagmamantina ng towers ay maaaring i-reallocate sa capital expenses na tutuon sa pagpapataas ng antas ng kanilang ser­bisyo sa mga sub­scriber.

“Even the local government units that will host the towers are intended to benefit from the unrestricted number of towercos that will build and operate the shared cell sites,” sabi ni Rio.

Idinagdag niya, sa final plan ay tinatayang may 5,000 towers ang itatayo taon-taon sa susunod na pitong taon para makompleto ang 50,000 towers sa loob ng 10 taon, na sa huli ay magbibigay-daan para makasabay ang  broad­band service ng Filipinas sa iba pang bansa.

Sa kaugnay na balita, hinambalos ng dalawang mambabatas ang isinu­sulong ng ilang tagapayo sa Malacañang na limitahan sa dalawang pribadong kompanya ang magtatayo ng 35,000 towers at magmamantina rito.

Kapwa sinabi nina Quezon City Rep.  Winston Castelo at Abra Rep. Joseph Bernos na “kailangan nang iaban­dona ng mga naghaha­ngad na gumanda ang serbisyo ng telcos ang planong towercos duo­poly dahil  kontra ito sa pangako ni Pangulong Duterte na pabilisin ang internet sa bansa.

“At lalo pang hahaba ang hihintaying panahon ng mga subscriber na gumanda ang serbisyo ng telcos kung dalawang kompanya  lang ang magtatayo ng kakula­ngang 35,000 cell towers kompara sa maraming kompanya na magtutu­lungan para mapabilis ang konstruksiyon ng nasabing mga pasilidad,” anang dalawang kongre­sista.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *