Monday , December 23 2024

Kalayaang natamo sa EDSA 1 pahalagahan — Duterte

PAHALAGAHAN nang husto ang kalayaang natamo sa 1986 People Power Revolution.

Ito ang panawagan sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Mensahe ng Pangulo, umaasa siyang hindi makalimutan ng sambayanang Filipino ang demokrasyang umii­ral sa bansa sa kasalu­kuyan ay bunga nang paki­kibaka ng mga ma­mamayan.

“I am hopeful that this occasion will inspire all of us, especially the younger generation, to deeply value the freedom and liberty that we won in EDSA,” ayon sa Pangulo.

“Let us never forget the sacrifice of those who came before us so that we may always be motivated to preserve and protect the democratic way of life that we enjoy today,” dagdag niya.

Ipinaalala ng Pangulo sa mga mamamayan na gaya noong unang People Power Revolution, may kapangyarihan ang mga botante na iguhit ang kapalaran ng bansa.

“As the entire nation prepares for the up­coming Midterm Elections this May, let us always remember how this historic revolution res­tored our power to col­lectively chart our future through the ballot,” aniya.

“May we all have a profound sense of appre­ciation and under­standing of what we lost and what we reclaimed,” sabi ng Pangulo.

Giit niya, ang 1986 EDSA People Power ay katotohanan na puwe­deng isulat muli ang kasaysayan kahit hindi gumamit ng karahasan.

“Indeed, the peaceful revolution that brought together Filipinos from all walks of life during those tense four days of February 1986 has given rise to a Philippines that was reborn from the ashes of its tumultuous past,” aniya.

Mula nang maluklok sa Malacañang, hindi dumadalo sa selebrasyon ng 1986 People Power Revolution si Duterte na ayon sa kanyang mga kritiko ay bunsod sa pagiging magkaibigan nila ng mga Marcos.

Paliwanag ni Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo, marami lamang trabaho ang Pangulo kaya no-show sa naturang okasyon ngunit ang mensahe ng Punong Ehekutibo sa anibersaryo ay ebidensiya na supor­tado niya ito.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *