Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dausan ng pot session natupok sa iniwanang kandila ng mga bumatak

DAHIL sa napabayaang kandila nauwi sa pagka­sunog ng dalawang bahay na sinabing pinagbatakan ng droga ng isang drug suspect sa Makati City, kahapon ng umaga.

Hinuli agad ng awto­ridad ang ingi­nusong sus­pek na si Jhayson Cam­posano, 27, scavenger, ng H. Santos St., Barangay Tejeros, Makati City.

Inireklamo siya nina Armando Serrano, 58, may kinakasama, con­tractual maintenance, may-ari ng bahay, at Maria Teresa Perez Auro­ra Samson, nasa hustong gulang, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ni Fire Supt. Roy Quisto ng Makati Fire Department, dakong 6:06 am, nang magsimula  ang sunog sa ikalawang palapag ng inuupahang silid ng suspek sa nabanggit na lugar.d

Nauna rito, nagka­roon umano ng pot session sa nirerentahang kuwarto ni Camposano at sa ginamit nilang kandila nagmula ang pagsiklab ng apoy.

Nagresponde ang Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) at iba pang fire volunteers sa lugar.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula bandang 7:00 ng umaga.

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente ngunit tinata­yang P100,000 ang kabu­uang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Itinuro ng isang tes­tigo ang suspek na si Cam­posana na siya umanong nagpabaya sa kandila at nagdulot ng sunog sa lugar kaya ina­resto siya ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang dalawang selyadong pakete ng umano’y sha­bu, drug parapher­nalia, isang coin purse, Nokia cellphone at P92 cash.

Patuloy ang isina­sagawang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente habang mahaharap na­man sa kasong Arson at paglabag sa Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) sa Makati Prosecutor’s Office ang suspek.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …