Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
pnp police

Sa opening salvo ng kampanya… Seguridad kasado na — NCRPO

KASADO na ang pagpa­patupad ng mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato na tatakbo sa halalan ngayong Martes 12 Pebrero 2019 , ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaha­pon.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, wala silang naitalang election hotspot sa Metro Manila pero hin­di dapat maging kam­pan­te ang pulisya sa pagbabantay sa mga lu­gar na kanilang nasasa­kupan.

Ayon sa NCRPO chief, kailangan segurohin na magiging maayos at mapayapa ang darating na midterm elections sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Bagama’t may mga pangyayaring patayan sa ilang lugar sa Metro Manila ngunit isolated cases umano ang mga insidente.

Kabilang din sa kani­lang tutukan ang araw ng mga puso sa 14 Pebrero na inaasahang dadagsain ng mga kababayan na magtutungo sa mga mall at mga pasyalan.

Nanawagan muli ang NCRPO sa publiko na manatiling mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad kung may mga kahina-hina­lang kilos ng mga indibi­duwal o bagay na kadu­da-duda at agad ipaalam sa mga pulis upang maiwasan ang anumang karahasan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …