Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ebak (excuse me po!) sinundot ng tinidor

Good pm Señor H,

‘Yun dream ko po about sa ebak at tinidor sinundot o tinusok ko daw ng tinidor un ebak, yun na po, salamt wag nio n lng popost cp # ko – I’m Lynlyn

 

To Lynlyn,

Ang bungang-tulog hinggil sa dumi ng tao o tae ay nagpapakita ng paglabas ng iyong damdamin o emosyon, o pag-aalis sa mga bagay na walang pakinabang sa iyong buhay. Gaya nang mga naunang sinabi ko, puwede rin naman na may mga pagkakataong ganito na nananaginip ang isang tao na kailangan niyang magpunta sa banyo talaga dahil iyon ang tunay na nararam­daman ng katawan niya habang natutulog.

Nagsasaad din ang panaginip mo na dapat gamitin ang full potential ng kakayahan mo sa lahat ng pagkakataon. Maaari rin naman na nagsasaad ito ng mga bagay na marumi at negatibo, pati na sa iyong sarili na pinaniniwalaan mo rin na hindi ma­ganda.

Dapat mong kilalanin ang mga bagay na ito kahit maaaring nakahi­hiya man. Ilabas mo ang mga negative sa iyong buhay. May mga pani­wala rin na kapag nana­ginip ng dumi o human waste ay nagsasaad ito ng possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya maaaring may kinalaman din ang ganitong uri ng pana­ginip sa agam-agam hinggil sa usapin sa negosyo o pera.

Ang tinidor naman ay nagre-represent ng extension ng iyong reach. Ikaw ay nasa tamang daan sa iyong minimithi sa buhay. Alternatively, maaari rin namang ito ay isang pun na, “Fork it over.”

Nararamdaman mo ba na ikaw ay pinipilit or being coerced? Kung ang panaginip naman ay sinasaksak ka ng tinidor, nagsasaad ito na ikaw ay masyadong picky sa mga ideas o sug­gestions na ipinipre­senta sa iyo.

Kapag naman naka­kita na may kumakain gamit ang tinidor, nag­sasaad ito na ang iyong mga kasa­lukuyang ala­lahanin ay maaaring mawawala na sa tulong ng iyong isang kaibigan.

Señor H.

Panaginip mo,
Interpret ko
ni Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …