Thursday , December 19 2024

Noynoy, ‘di dumedepensa sa laban ni Kris

KAUNA-UNAWA kung nagkakampihan man ang magkakapatid na Falcis.

May “unholy alliance” nga kina, Nicko, elder brother nitong abogado at ang kapatid nitong babae laban kay Kris Aquino.

Oo nga naman, when any member of the family is in trouble ay asahan nang magkakaroon ng kampi-kampihan. Totoo ngang mas malapot ang dugo kaysa tubig.

Nagtataka lang kami sa kakatwang pananahimik sa isang banda ng mga kapatid ni Kris, where are they all along?

Ni isa kasi sa mga kapatid ni Kris hasn’t come forward para depensahan ang kanilang embattled youngest sibling na may sakit na nga’y sangkot pa sa ganitong isyu.

Dahil kaya ni minsan din naman ay hindi nakisali ang mga kapatid, most especially Noynoy, sa mga usaping sangkot si Kris?

Is it because they have so much faith and confidence na kering-keri ni Kris ang kanyang laban?

Magkaiba lang siguro tayo ng pananaw when a family member sets out to war. Kung nang­yari kasi sa amin ang pa­rehong kaso, we’ll take the cudgels for our sibling, let him or her stay away from the war zone and us, on the line.

Ang sabi ni Kris, noong time na nag-umpisa ang problema nila ni Nicko, she and her Kuya Noynoy were not on good terms. Immaterial na kung anuman ang dahilan ng kanilang sigalot.

But again, no sibling mis­under­standing—sa ganang amin—is bigger kaysa pinagdaraanan ni Kris nitong mga naka­lipas na araw, lingo, and even months.

Walang ibang higit na nakakikilala kay Kris—hang­­gang sa likaw ng kanyang bituka—kundi ang kanyang mga nakatatandang kapatid.

Therefore, if in their heart of hearts ay nasa katwiran—or wala man—Noynoy et al should be the first to come out with their reactions.

Pero waley. Mabuti pa ang magkakapatid na Falcis.

Solid, united and yes, pareho-parehog palaban at walang inuurungan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *