Saturday , November 23 2024

NCRPO chief Eleazar, pasugalan ni chairman deadma si MPD chief Danao

UNA sa lahat, sa mga ginigiliw kong taga­subay­bay, na walang sawang nakatutok sa respeta­dong pahayagang ito, ang HATAW! D’yaryo ng Bayan, isang mainit na pagbati po ang ipinararating ng BBB — “Maligayang Pasko po at isang mapayapa at masaganang Bagong Taon po sa inyong lahat!

Ilang araw na lamang po mga ‘igan at mag­wa­wakas na o mapapalitan na ang taong 2018 ng susunod na taong 2019. Aba’y ano na naman kaya ang magiging kapalaran ng sambayanang Filipino sa pagpasok ng bagong taong 2019 mga ‘igan, na kasabay pa nito’y ang mainit na ‘local’ at ‘national elections,’ na sa ayaw at sa gusto ng taongbaya’y mamimili na naman ng kandida­tong tapat at tunay na maglilingkod sa bansa, mayroon pa kayang ganitong klaseng kandidato? Mahiyaing mandarambong, mayroon! He he he…

Sa pag-usad ng araw mga ‘igan, sige rin sa pag-usad ang pasugalan umano ni chairman. Ayon sa aking pipit-na-malupit, sadyang tigasin ang nasabing chairman ng District 1, Tondo, Manila. Mantakin n’yong ilang beses nang inirereklamo at isinusumbong partikular kay S/Supt. Vicente Danao Jr., ang former Davao City police chief, na ngayon ay siya nang bagong chief ng Manila Police District (MPD).

Ang nasabing pasugalan umano ni Chairman Eduardo Dorobo ‘este’ Dabu, partikular sa Zaragosa St. corner Delpan St. ngunit deadma lang si Danao sa isyu…

Sus ginoo!

Ang masaklap dito’y ang likhang dulot sa mga kabataan mga ‘igan. Aba’y natutu­to nang mag­nakaw ang mga kaba­ta­ang nahuhu­maling sa nasabing pasu­galan para lamang may pang­taya o pangsugal sa saklaang kina­hiligan nila! Maging ang mga magulang ng mga kabataang naging sugarol na ay parang hilong-talilong kung kanino o sinong Poncio Pilato sila lalapit upang maisuplong ang mga salarin.

Ngunit, sa rami ng kanilang nilapitang lingkod-bayan, naging bigo at lagi silang bigo, bagkus deadma ang mga animal sa pasugalan umano ni Chairman Dabu!

Ang siste rito mga ‘igan, kamakailan lang, habang may Christmas Party sa barangay hall ni Chairman dorobo ‘este Dabu, sus…sa kabilang-gilid nama’y ang nasabing pasugalan (saklaan) umano ng animal.

And take note mga ‘igan, kaya pala hindi mahuli-huli o sadyang hindi hinuhuli ang nasabing pasugalan ni chairman ay sa dahilang bantay-sarado ng dorobo sampu ng kanyang mga kasabwat ‘este kagawad! E, magkanong dahilan kaya ito’t hindi matinag-tinag ng mga pulis sa Maynila? Ano’t maging si MPD Chief Danao ay dead­ma sa isyung pasugalang ito ni Chairman Dabu?

Dumako naman tayo mga ‘igan sa District 2 ng Maynila… sa pag-iikot-ikot ng aking pipit-na-malupit, aba’y nasulyapan ang pasugalan ng isa pang astig na chairman, sus ginoo! Talamak na umano ang pasugalang ito ni Chairman Rene Maslog. Aba’y matagal na rin inirereklamo partikular ang ‘pool-an’ ni Chairman, na matatagpuan sa mismong kanto ng Juan Luna St., corner Lerma St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ang matindi rito’y laging idinudulog ang mga reklamo sa nasabing pasugalan (pool-an) sa Police Station 7 na siyang nakasasakop dito. Ngunit sa kasamaang-palad deadma lahat ng mga lingkod-bayang nilapitan sampu ng mga pulis ng Maynila at mga puno nila. Hanggang ngayo’y nandoon pa rin ang pasugalan umano ni Maslog. Ayon sa aking pipit-na-malupit, minsan nang nagkagulo rito dahil sa malaking pustahang naganap, pero si Brgy. 186 Chairman Maslog ay deadma lang!

Bulong ng aking pipit-na-malupit…magkano kayang butaw ang natatanggap ni Maslog sa kanya umanong pasugalan? Aba’y kung may katotohanan ang sumbong  na ito sa kataran­taduhan ni Chairman Maslog, sus ginoo, dapat dito’y bigyan ng leksiyon nang hindi na pamarisan pa ng kapwa n’ya punong barangay, bagkus mamuno na lamang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng isang maunlad na barangay, tulad ng layunin ng isang Lingkod-bayang Inyong Maaasahan (LIM) sa kalakhang Maynila…

Good luck Mayor!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny C. Balani

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *