NASA isang mall kami kamakailan at napansin naming walang masyadong bumibili sa Shawarma Shack na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang endorsers, may kinalaman kaya ito sa viral video na marumi ang preparasyon nito?
Sabi ng taga-ABS-CBN, “sinisiraan lang nila ang Shawarma Shack kasi sobrang lakas, alam mo na black propaganda.”
Posible naman talaga na gawa-gawa lang din. Pero ang tao hindi nakalilimot kapag may mga balitang lumabas at aware sila na ‘yung iba ay hindi na tinatangkilik ang produkto. Pero may mga hindi rin naman naniniwala.
Sa ganang amin ay kitang-kita na iilan lang ang bumibili na dati-rati ay super haba ng pila.
Ang isa pang brand ng shawarma na kilala rin ang endorsers ang siyang pinipilahan ngayon, though dati rin namang maraming bumibili na, pero ngayon, parang na-doble pa yata.
Pareho naming natikman ang dalawang brand ng shawarma at sa totoo lang ,wala namang pagkakaiba sa lasa, ha, ha ha.
Ang request lang namin, sana hindi sa papel ito ibabalot para ‘pag tumulo ang katas ay hindi nasisisira at tumatagos pa sa damit, sana ilagay na lang sa Ziploc.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan