Friday , June 5 2026

Dennis, pabor na gawing legal ang marijuana

PABOR si Dennis Trillo na gawing legal sa ating bansa ang paggamit ng marijuana bilang gamot. Katunayan, legal na itong nagagamit sa ibang estado ng USA.

Ayon sa Kapuso actor, napakalawak na ang impormasyon ukol sa marijuana bilang gamot dahil maraming research ukol dito na mababasa sa internet.

Aniya, ”Buksan ninyo ang isipan ninyo. I-research lang ninyo sa internet. I-type niyo lang sa Google, makikita niyo ang mga research, hindi magsisinungaling ‘yun. Gamot siya sa maraming bagay. Katunayan, noong 1930s pa ito talagang ginagamit bilang gamot,” pahayag nito sa isang panayam.

Ang ipinagtataka niya ngayon ay kung bakit ipinagbabawal ang paggamit nito. Sa pinakahuling balita, ikinatuwa nito na bumabalik na ‘yung katotohanan na gamot talaga ito. Gayunman, pakiwari ng actor, isang mahabang balitaktakan pa ang pagdaraanan ng isyu kaugnay sa medicinal marijuana. Ang tanging pakonsuwelo nito ay hindi naman minamadali o sobrang kinakailangan ang pag-legalize nito.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …