MASISILAYAN ang husay ng self-taught PH Rubik’s Cube wizard na si Clarence Kinsey Galuno-Orozco sa pag-arangkada ng Cavite Open 2018 sa 22 Disyembre na gaganapin sa Pagkalingawan’s Pavillion, F. Roman Street, Pagkalingawan’s Pavillion, Pinagtipunan sa General Trias City, Cavite na inorganisa nina Mr. Richard Espinosa at WCA (World Cube Association) delegate Mr. Bille Janssen Lagarde.
“Speed cubing, as the practice is called, draws people of all ages and backgrounds to pit their best times against one another,” sabi ni Karla Lorena Orozco, proud mother ni Clarence Kinsey.
Ang 11-years old na si Clarence Kinsey, Grade six pupil ng P. Gomez Elementary School sa Sta. Cruz, Maynila ay natutong mag-solve ng Rubik’s Cube matapos mamemorya ang formula sa instruction manual na napanood niya sa Youtube.
Si Clarence Kinsey na tubong San Jose Delmonte, Bulacan ay may tangan na 5×5 Blinfolded unofficial national record 12 minutes, 34 seconds 05 milliseconds. Ang national record sa 5×5 Blinfolded ay 12 minutes and 55 seconds.
“It’s a nice feeling beating your best times, and it’s a good way to meet new friends,” sambit ni Clarence Kinsey na tumapos ng kanyang personal record 9.84 seconds.
Ang kanyang mga iniidolo ay sina PH top Rubik’s Cube speedsolver Leo Borromeo at Aussie Feliks A. Zemdegs.
Isang consistent honor student, si Clarence Kinsey ay nahihilig din sa paglalaro ng arnis, chess at speed stacks.
Ang traditional Rubik’s Cube ay 3-by-3, pero ang mga speed cubers ay nasisilayan sa several different variants gaya ng 4-by-4, 5-by-5, 6-by-6, 7-by-7 at Pyraminx. Isang variant forces cubers na nagso-solve ng 3-by-3 cubes, gamit ang isang kamay lamang.
(Marlon Bernardino)