Saturday , April 27 2024
Filipino Panitikan CHED
Filipino Panitikan CHED

Oral argument hamon ng Tanggol Wika sa SC (Sa isyu ng tanggal wikang Filipino at Panitikan)

HALOS 10,000 guro ang maaapektohan kung tuluyang ipatu­tupad ng Commission on Higher Education (CHED) ang pinagtibay ng Korte Suprema na Memoramdum 20 na nag-aalis sa Panitikan at Wikang Filipino sa kolehiyo.

Mariin itong tinu­tulan ng Tanggol Wika at ng ACT Teacher Party-list kaya nagsu­mite sila sa Korte Su­prema ng motion for reconsideration sa kata­as-taasang huku­man at humiling na magsagawa ng oral argument upang muling mapag-usapan ang naturang isyu.

Inilinaw ni David Michael San Juan, con­venor ng Tanggol Wika, ang pagtatanggal ng wi­kang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, hindi lamang magpa­pababa sa kaalaman ng mga mag-aaral sa usa­pin ng wika kundi nag­papakita rin ng kawalan ng paggalang at pagma­mahal sa bayan.

Ayon sa ACT Teachers party-list, nag­hahanda na ang Maka­bayan bloc na magsumite ng petisyon na magka­roon ng mandatory 9 units sa kolehiyo ang mga mag-aaral upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang pagpapalawig ng kaa­laman sa sariling wika.

Sinabi ni Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list, bagama’t may tinatawag na general subject pa rin sa kolehiyo o yaong mga subject na hango sa high school o dala-dala at itinuturo hanggang kolehiyo gaya ng Math, English at Science, ang Filipino at Panitikan bilang bahagi ng general subject ay dapat rin ipagpatuloy.

Hindi anila mako­kompleto ang basic sub­ject kung maiiwan ang sariling wika na mag­papabilis upang umun­lad at magka­unawaan ang bawat Filipino.

Diin ng Tanggol Wika, nakadetalye sa kanilang mosyon kung ano ang kaibahan ng pagtuturo sa sekundarya at kolehiyo sa usapin ng Panitikan at wikang Filipino.

Ayon kay San Juan, nangangamba ang grupo kung magiging optional sa bawat pa­aralan ang pagtuturo ng wikang Filipino at Panitikan, o tuluyan nang mawawala sa kolehiyo. Nitong 9 Oktu­bre, pinag­tibay ng Korte Suprema ang CHED Memorandum Order No. 20 na nagli­limita sa General Edu­cation Curriculum sa mini­mum na 36 units na ang epekto ay pagta­tanggal ng Wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.  (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *