Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)

HINDI inakala ng isang 18-anyos dalaga na ang hangarin niyang maka­sagap ng signal para sa kanyang cellphone ang magiging dahilan ng pagkalugso ng kanyang puri sa Sto. Cristo, Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat kay S/Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PPO, nangyari ang insidente nang lumabas ng bahay ang 18-anyos biktima dakong 10:00 pm para magpunta sa lugar na mabilis maka­sasagap ng signal para sa kanyang cellphone.

Ngunit imbes signal kapahamakan mula sa suspek na kinilalang si Alex Santiago alyas Jude, 22, helper at residente sa nabanggit na barangay, ang ‘napa­la’ ng biktima.

Nabatid, nasa labas ng bahay ang biktima dahil sa paghahanap ng signal, nang mula sa dilim ay biglang bumungad ang suspek, kinaladkad ang biktima sa inuupahang apartment at doon inilugso ang puri.

Makaraan gahasain, ikinandado ni Santia­go ang pinto ng apart­ment para hindi maka­labas ang biktima ngunit nakatakas nang malingat ang suspek.

Sa kanilang bahay ay agad isinalaysay ng bikti­ma sa ina ang nangyari sa kanya na agad humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Agad nakipag-ugna­yan ang barangay officials sa Angat police at mabilis na inaresto ang suspek na ngayon ay nakapiit sa municipal jail.

(MICKA BAUSTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …