Monday , November 25 2024

Pagtatalaga sa leftists sa gabinete pinagsisihan ni Duterte

PINAGSISIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtalaga sa kanyang gabinete ng dalawang reko­mendado ng National Demo­cratic Front (NDF).

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa send-off ceremony sa 250 transport vehicles ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Calamba, Laguna kahapon, walang ginawa ang mga komunista, partikular ang New People’s Army (NPA), kundi pumatay sa nakalipas na 52 taon. “Iyon ang alam ng NPA: to destroy the government, to destroy its functions of govern­ment, and to kill the soldiers, kill the policemen, kill everybody for the last 52 years. Iyan lang ang ibinigay ng mga komunista sa atin,” aniya.

Giit ng Pangulo, binigyan niya ng tsansa ang mga komunista na magsilbi sa gobyerno at binigyan niya ng puwesto sa kanyang administrasyon sa layuning makatulong at magtagumpay ang isinusulong na peace talks ngunit ayaw pala nila ng kapayapaan.

“E ako naman in my desire really to just extend a helping hand maybe I can succeed talking to them, naipasok ko rin sa gobyerno. Mabuti na lang ni-reject ng Congress ‘yung appointments nila. It turned out to be na ayaw talaga nila ng — even the talks now are almost done,” anang Pangulo.

Matatandaan, itinalaga ng Pa­ngulo sina Judy Taguiwalo bilang Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary, at Rafael Mariano bilang Depart­ment of Agrarian Reform (DAR) secretary, ngunit ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang kanilang appointment.

Binigyan diin ng Pangulo, hindi pa siya handa na buhayin ang peace talks sa kilusang komunista dahil bukod sa ayaw ng militar ay hindi siya makapapayag sa nais nilang mangyari na “sharing of government powers.”

“I don’t know if it could be revived. But I am not ready at this time to talk about talking to the communist. For as long as there is an objection from the military and the police na they called — pinag-ipon nila lahat ‘yung mga various agreements JASIG, humanitarian rights, it would now appear that more or less there is a sharing — hindi coalition — but sharing of governmental powers which we cannot concede, I cannot give because we do not own sovereignty,” anang Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

PNP PRO3 Solar-powered blinker police outposts stations

Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations

SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico …

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *