Wednesday , April 9 2025
Mocha Uson Drew Olivar
Mocha Uson Drew Olivar

Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

MAGPUPULONG ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang talakayin ang panibagong viral video ni Assistant Secretary Mocha Uson at pro-Duterte blogger Drew Olivar na ginawang katatawanan ang “sign language” na ginagamit ng mga pipi’t bingi.

“I will dicuss this with the team,” ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar hinggil sa viral video na umani ng batikos ng publiko.

Sa kanyang Facebook page ay inilathala ni Mocha ang video na inutusan niya si Olivar na mag-sign language at humagalpak ng tawa habang kung ano-anong senyas sa kamay ang ginawa ng pro-Duterte blogger.

Noong nakalipas na buwan ay binigyan ng memorandum ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy si Mocha na nagpapaalala sa kanya na kumilos bilang isang opisyal ng gobyerno na nagpapakita ng propesyonalismo sa lahat ng oras alinsunod sa itinakda ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ang memorandum ay resulta ng naging viral na bastos na “pepe-dede ralismo” video nina Mocha at Olivar hinggil sa isinusulong na federalismo ng administrasyong Duterte.

Napaulat na walong opisyal ng PCOO ang lumagda sa isang petisyon para tanggalin si Mocha ni Pangulong Duterte na isinumite kay Executive Secretary Salvador Medialdea dahil sa nasabing video. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

BIR Estate Tax Amilyar

Sa bentahan ng kanilang propriedad
Pasay mayoral candidate, 1 pang kandidato hinahabol ng BIR

HINAHABOL ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sina Pasay mayoral candidate, councilor Editha Manguerra at …

Sanggre

Teaser ng Sang’gre may 5M views na

RATED Rni Rommel Gonzales INAABANGAN at talaga namang tinutukan ng Encantadia fans ang teaser ng pinakamalaking Encantadia Chronicles na Sang’gre. …

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *