Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lucky 9 ng Hukbong Pagbabago isasabak sa Senado

SIYAM na kandidato sa pagka-senador ang isasa­bak ng Hugpong ng Pag­babago sa 2019 midterm elections.

Tinukoy kamakalawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang bubuo ng senatorial slate ng HNP na sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Senators Cynthia Villar, JV Ejercito at Sonny Angara, Reps. Pia Cayetano at Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Bureau of Correstions chief Ronald dela Rosa.

Kaugnay nito, batay sa resulta ng survey ng University of Mindanao´s Institute of Popular Opinion (UM-IPO) ay nakopo ni Go ang top spot sa senatorial bets sa 76% na ibinigay sa kanya ng mga Dabawenyo.

Ang Davao region ay may voting population na 4.9 milyon.

Sa naturang survey, pumangalawa si Dela Rosa at pumasok rin si Mayor Inday Sara Duterte.

Nagpasalamat si Go sa UM-IPO sa pagsa­gawa ng survey at kan­yang ikokonsidera ang mga resulta ng survey sa ano mang desisyon na kanyang gagawin sa pagpasok sa politika pero iginiit na ang Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang makapagpapabago sa kanyang isipan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …