Friday , November 22 2024
Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy
Pingkian LOGO Ruben Manahan III

Warning system sa baha, palpak pa rin!

NITONG Sabado, nabulaga naman ang mga taga-Metro Manila nang biglang magtaasan ang baha sa lahat ng siyudad na nakapaloob dito. Bagamat may manaka-nakang pag-ulan sa umaga dala ng pinagsamang Habagat at bagyong Karding, kampante ang lahat at normal ang daloy ng buhay. Marami ang lumabas ng bahay nang walang inaalalang panganib.

Pasado alas-dos ng tanghali nang makatang­gap tayo ng babala sa pamamagitan ng text message galing sa NDRRMC, isang sangay ng gobyerno na responsable sa disaster response. “Orange Rainfall Alert” daw sa Metro Manila at Rizal. “Nagbabadyang pagbaha sa mababang lugar at malapit na ilog,” sabi ng mensahe.

May “time stamp” ng 12:20 pm ang babala ng NDRMMC pero 2:06 pm na natin natanggap. Ibig sabihin, halos dalawang oras ang itinagal mula nang itaas ang Orange Rainfall Alert hanggang sa maipaabot sa atin sa text message.

Pasado alas-kuwatro na ng hapon (4:22 pm) nang matanggap natin ang susunod na mensahe. “Red Rainfall Alert sa Metro Manila at Rizal. Nagbabadyang matinding pagbaha sa mababang lugar at malapit na ilog.” Tulad ng naunang men­sahe, atrasado ng dalawang oras dahil 2 pm ang time stamp na nakalagay sa babala.

Isa tayo sa mga pumuri nang simulan ng NDRRMC at mga telephone companies ang pagbibigay ng babala tungkol sa mga bagyo at kala­midad sa pama­ma­gitan ng text mes­sages. Sabi natin noon, malaking tu­long ito dahil mara­ming Pi­noy na ang laging may bitbit na cell­phone. Sigu­radong maaa­lerto ang mga mama­mayan kung may nakaaambang pa­nganib.

Pero tila nawa­lan ng saysay ang mga baba­lang ito galing sa NDRRMC kung pagbabatayan ang karanasan natin nitong Sabado. Malaking bagay ang isa o dalawang oras sa paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Kahit mga eksperto ay nagkakaisa na sa loob lamang ng isang oras, maaaring umabot ang baha sa Metro Manila o ibang parte ng bansa hanggang sa taas-baywang. Hindi na lamang ito teorya o aralin ng mga akademiko. Ito ang nararanasan natin tuwing may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Dahil sa problemang ito, dapat na sigurong ibalik ng gobyerno ang Project NOAH sa sistema ng NDRRMC. Ito ‘yung Nationwide Operational Assessment of Hazards na proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines na sinimulan noong taong 2012.

Sa tulong ng Project NOAH, nakabuo tayo ng “storm surge warning system” para mabigyan ng babala ang mga tao na nasa peligro ng biglaang pagbaha. Nabigyan ng ganitong babala ang mga local government units panahon pa ng bagyong Yolanda pero hindi sineryoso ng mga namamahala sa mga siyudad at munisipalidad.

Nakalulungkot na hindi na natuloy ang pagbibigay ng gobyerno ng kaukulang badyet sa Project NOAH simula noong Enero 2017. Inalis na rin sila sa sistema ng NDRRMC at kasa­luku­yang pinamamahalaan ng University of the Philip­pines.

Isa sa nabinbing gawain ng NOAH ang pagkompleto ng Flood Information Network (FloodNET). Layu­nin nito ang pag-mapa ng mga ba­ha­ing lugar at pag­bibigay ng babala sa mga eksaktong lugar na may peligro sa panahon ng tag-ulan.

Napapanahon na buhayin muli ang Project NOAH at suportahan ito ng maging ng mga tele­phone com­panies. Sa gani­tong paraan, mabibig­yan tayo ng karampatang impormasyon sa ating mga cellphone kung ano ang mga lugar na dapat likasin o iwasan dala ng biglaang pagbaha.

Kaunting pondo lamang ang kailangan para sa kaligtasan ng lahat.

PINGKIAN
ni Ruben Manahan III

About Ruben III Manahan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *