Wednesday , May 14 2025

2 palace executives kumita sa P60-M DOT-PTV ads ng Tulfos

DALAWA pang opisyal ng Palasyo ang kumita sa kontrobersiyal na P60-milyong advertisement ng Department of Tourism sa state-run People’s Television Network Inc.

Nabatid na hindi magta­tagal ay mabu­bul­gar ang partisipasyon ng dalawang opisyal ng Palasyo sa iregular na transaksiyon.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presi­dential Spokesman Harry Roque na lahat nang nakinabang sa PTV-DOT ads ay dapat panga­la­nan, imbestigahan at sam­pahan ng kaso batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Dapat po lahat iyong binigyan ng cut, napasama sa demanda. Sino ba ho iyan? Sino? Well kung sino po lahat iyan, ilabas lang po ang pangalan, I’m sure dapat po maimbestigahan sila,” ani Roque nang sabihin sa kanya ng isang reporter ang pangalan ng dala­wang Palace officials.

Batay sa COA report, ang P60 milyong ibinayad ng DOT sa PTVNI ay napunta sa Bitag Media Unlimited, Inc., na pag­ma­may-ari ni Ben Tulfo, host ng programang Kilos Pronto at kapatid ng nagbitiw na si Tourism Secretary Wanda Teo.

Ipinagkibit-balikat ni Roque ang pang-uuyam ni Ben sa publiko na mamumuti ang mga mata pero hindi niya ibabalik ang P60-M sa DOT sa kabila ng utos ng COA na isauli ito.

“Ang huling de­klarasyon po ng Pre­sidente diyan – and I asked him explicitly – is we will let the legal pro­cess proceed. Let the legal process proceed, let those liable be held respon­sible,” dagdag ni Roque.

Iniimbestigahan na aniya ng Ombudsman ang isyu at magiging ikalawang reklamo na ang ihahaing kasong plunder ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa mga Tulfo.

Magugunitang bago magbitiw si Wanda bilang Tourism secretary ay inihayag ng kanyang abogadong si Ferdinand Topacio na ibabalik ng mga Tulfo ang P60-M sa kaban ng bayan.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *