Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NIB PCOO Malacanan

Party muna bago trabaho

TILA huminto ang ikot ng mundo sa News and Information Bureau (NIB) sa Malacañang kahapon dahil sa pag­diriwang ng kanilang anibersaryo.

Natapos ang eco­nomic press briefing sa Malacañang nang halos 1:00 ng hapon ngunit walang natanggap na kopya ng transcript nito ang Palace reporters.

Trabaho ng NIB ang i-transcribe ang pana­yam sa mga opisyal ng Palasyo at maging ang mga press briefing sa Malacañang.

Ilang beses tinawa­gan ng mga reporter ang opisina ng NIB ngunit walang sumasagot dahil ang mga opisyal at kawani ng kawanihan ay nasa National Print­ing Office (NPO) at nagpa-party.

Dati-rati’y walang press briefing tuwing Miyerkoles sa Palasyo ngunit mula noong Hun­yo ay nagpasya ang PCOO na magkaroon ng “economic press briefing” sa Malacañang Press Corps (MPC) kahit may kanya-kanyang press corps sa iba’t ibang ahen­si­ya ng pamahalaan na puwedeng mag-interview ng mga opisyal.

Katuwiran nila, mas maiintindihan ng masa kapag sa Palasyo ginawa ang press briefing.

Kahapon ay isinalang ng PCOO si Department of Education Secretary Leonor Briones at Finance Assistant Secretary Tony Lambino sa press briefing.

Imbes mandatory drug test, sinabi ni Briones na kusa na lamang nagpa­sailalim sa drug test ang 100 DepEd personnel sa central office, 100 sa regional offices, 20,000 high school students sa ilang piling paaralan, at 24,000 libong mga guro.

Bilang dating nation­al treasurer ay naniniwa­la si Briones na mas ma­kapipinsala kaysa maka­bubuti kapag sinuspen­de ang pagpapatupad ng kasalukuyang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Giit niya, walang ibang direksiyong pu­pun­tahan ang pamaha­laan kundi ang mangu­tang kung hindi maipa­tutupad ang natitirang TRAIN packages.

Umabot sa P6.875 trilyon ang utang ng Fili­pinas hanggang noong nakaraang Mayo.

Sabi ni Lambino, dapat maalala ng pu­bliko na halos 99 porsi­yento ng taxpayers ang tumaas ang take home pay habang malaki rin ang nakuhang revenue ng gobyerno mula sa katas ng excise tax na ipinataw mula sa sweetened beverages at unhealthy products ga­ya ng siga­rilyo.

Sa kanyang SONA noong Lunes, nanawa­gan si Pangulong Duter­te sa Kongreso na mada­liin ang pagpasa ng apat pang TRAIN packages.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …