Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Ex-tserman itinumba ng tandem

KATIPUNAN, Zam­boa­nga del Norte – Nalagu­tan ng hininga ang isang dating tserman ng Brgy. Mias sa nabanggit na bayan, makaraan pagba­barilin ng riding-in-tan­dem malapit sa kaniyang bahay, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakikipag­kuwen­tohan si Omar Bayron sa mga kapitbahay sa isang tindahan nang siya ay pagbabarilin.

Sinabi ng kapatid ng biktima na si Jinky Bay­ron, napansin nilang may mga bagong muk­hang umaaligid sa lugar na kunwari ay nagbe­benta ng kung ano-ano, ilang araw bago ang insidente.

Pinakahuli ang lalaking naka-helmet na tumigil mismo sa bahay ng biktima at doo’y tila nagte-text pa. Agad din umalis ang lalaki nang mapansin ng mga resi­dente.

Ayon sa pulisya, dati nang sumuko si Bayron dahil sa ilegal na droga at kasama sa listahan ng narco-politicians.

“Kasama rin naming tinitingnan ngayon ang anggulong pagkaka­sangkot niya dati sa ilegal na droga,” ayon kay PO3 Noel Suliman.

Patuloy ang imbes­tiga­­syon ng mga awto­ridad sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …