Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
suicide jump hulog

Chinese nat’l tumalon mula 21/F

HINIHINALANG dahil sa utang sa casino kaya nagpakamatay ang isang 27-anyos Chinese nation­al sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-21 palapag ng tinutuluyang condominium sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Frank Sunk Quan, may asawa, tubong Beijing, China, dating HR manager ng Midas Casino Hotel at pansamantalang tumutuloy sa Unit 2108 Tower B, Antel Condo­minium, Roxas Boulevard Service Road, Pasay City.

Sa ulat ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, dakong 6:40 pm nang mangyari ang insidente sa nasabing condominium sa Brgy. 76 sa Pasay City.

Sa kuwento ng isang occupant na si Rodelio Villafuente Almanza, habang nanonood siya ng telebisyon sa kanyang sala ay nakarinig siya nang malakas na kalabog mula sa galvanize na bubong ng kanyang unit.

Agad niya itong tiningnan at inalam kung ano ang kumalabog doon.

Nalaman niya sa guwardya na may tumalon mula sa ika-21 palapag at bumagsak sa bubungan ng kanyang unit sa ikalimang palapag.

Agad dumating sa pinangyarihan ng insi­dente ang dating employ­er ng biktima na si  Lin Xiong Jie, HR Manager ng Midas Casino Hotel, residente sa Unit 1416, 14th floor Tower B, Antel Condominium ng naturang lungsod.

Napag-alaman, naba­on umano sa utang dahil sa pagsusugal sa casino ang naturang dayuhan.

Patuloy na nag-iim­bestiga ang pulisya upang mabatid kung may foul play sa insidente.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …