Thursday , June 4 2026

Pangulong walang isang salita

HANGGANG ngayon ba ay nagtataka pa kayo kung hindi kayang  panindigan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang mga sinasabi? Bago kayo nang bago. Ilang beses na ba niyang ginawa ito? Iba ang sinasabi sa kanyang ginagawa.

Kahapon muling bumanat si Duterte sa Simbahan at muling kinutya ang Diyos. Ginawa niya ang pambabalahura sa Sim­bahan, isang araw matapos ang moratorium na siya mismo naman ang nagbigay, nang makipag-usap siya sa pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Malacañang.

Lokohan at kalokohan!

Iyan mismo ang maaaring sabihin sa ginagawa ngayon ni Duterte, o sabihin nating ginagawa ni Duterte noon pa man. Hindi niya kayang tuparin kung ano ang nauna niyang sinabi. Katiwa-tiwala ba ang ganitong lider?

Kaya nga siguro ito ang dahilan kung bakit unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga Filipino na bumibilib sa kanya. Hindi ba’t naglabas ng survey ang Social Weather Station na bumaba ng 11 porsiyento ang satisfaction rating ng pangulo. Hindi nakapagtataka na sa mga susunod na linggo pati ang trust rating ng pangulo ay bababa na rin dahil sa mga ganitong pag-uugali niya. Pangulo na walang isang salita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …